12172016
...
one
Muling hinigit ni Ron ang kanyang asawa palapit at niyakap ito . Phin giggles at his actions, she's very sexy sa kanyang suot na kulay pale blue na skater-dress. Hindi naman nya masaway si Phin sa suot kahit pa kitang kita ang pisngi ng dibdib nito. It's true that they can only see it, he's the only one who's more than allowed to touch it, pero minsan mas gusto mo itago na lamang kung ano ang pag aari mo. But it's Phin's choice of dress, eventually daw magbabago na ang hubog ng katawan niya, she wanted to wear her type of clothes as long as she can.
Buntis at naglilihi so pagbigyan na.
Kababalik lamang nila mula sa kanilang honeymoon galing Europe, at ngayon papunta sila sa isang exclusive bar to meet his friends. Sobrang tampo na ang mga ito dahil hindi nakasama sa kanilang sikretong kasal noong gabi. Maging siya ay hindi inaasahan iyon pero salamat na rin at nangyari. They were surrounded by their families, it was solemn and peaceful. He promised Phin that he will give her an extravagant wedding after she gave birth. Nagbiro pa nga ito na malaki na raw ang nagastos niya sa wedding na nasayang. Honestly he doesn't mind spending millions for his wife. Hindi pa rin talaga nito alam na ginagawa niyang Divisoria ang Europe at Philippines?
"Baka naiinip na ang mga friend mo." Phin tease. Ang kamay niya ay nakapahinga sa maliit pa lamang na baby bump nito. He's more than excited for their first born, ito rina ng dahilan at tanggap na siya ng parents ni Phin, most especially her dad. Hindi naman nagkaroon ng hidwaan sa kanilang pailya dahil sa pambibitin na ginawa ng ama ni Phin, after all their parents are friends eversince.
"Let them wait for a second." Kinabig niya ang mukha ng asawa, ginawaran niya ito ng isang malalim na halik, wala siyang pakealam kahit marami pa ang nakatangin. He wanted them to know that she belong to him. Nakakatawa nga ang balita noong araw ng kasal nila, marami ang nagulat na hindi iyon natuloy, marami din ang nanghinayang, pero walang makakatalo sa pagkabigla na bago matapos ang gabi ay binalita sa breaking news ng bawat istasyon ng telebisyon ang biglaan nilang kasal. Daig pa daw nila ang mga bida sa teleserye.
"Ron." Kinurot siya ni Phin kaya naman napatigil siya sa paghalik, parehas nilang habol ang kanilang hininga at parehas na tawa ng tawa. "Ang kulit mo Mister." He gave her another peck on her lips. Kinabig niya na ang beywang nito para makapasok sa loob ng bar na iyon, it's a high end bar kaya naman pumayag siya na makipagkita sa dalawa dito, it's still early. Ayaw niyang sa bahay nila ito pumuntan, knowing Olsen... he loves to make an unannouce visit, at sa panahon ngayon ayaw niyang maabala at mag entertain ng makulit na guest.
"Nandito na ang bagong kasal!" Olsen shouted that startled Phin a bit. Ganunpaman ay natutuwa ang kanyang asawa. Parehas na tumayo ang mga ito. Ang totoo, masama ang kutob niya sa meeting na ito, pero hindi niya matatanggihan ang dalawa dahil sa mga naitulong din nito sa kanya noon hanggang ngayon.
"Eyes up here!" saway niya agad, mahirap na dahil mukhang bababa pa ang mata ng mga ito.
Tumawa lamang ang dalawa , si Ermo ang unang naglahad ng kamay.
"Ermo here, kilala na natin ang isa't isa noon pero walang proper introduction, blame your husband for it." Kinuha ni Phin ang nakalahad na kamay ni Ermo, si Olsen naman ang sumunod.
"Olsen , baliw kasi noon pa si Ron eh, kaya kahit noon pa tayo magkakakilala sana, hindi pwede." Natatawang kinuha ni Phin ang kamay ni Olsen, giniya niya na rin ang kanyang asawa para maka upo, ang dalawa ay malokong nakamasid sa kanilang dalawa. May mga pagkain na sa mesa, juice for her wife no alcohol for now. Ang dalawa ay nakangisi pa rin.
"So, talagang sinigurado mo attorney na kapag bumalik kayo buntis na si Phin." Tukso sa kanya ni Olsen, hindi na siya sumagot, hindi niya ikinaila dahil iyon naman talaga ang orihinal na plano. Namula ang kanyang asawa dahil doon, mukhang hindi mawawala ang pamumula ng pisngi nito hanggang mamaya, dahil kung may dalawang tao na alam na alam ang kanyang kabaliwan, itong dalawang lalake na ito ang siyang salarin.
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
Narrativa generale"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan