This is really the last chapter before the epilogue...
dedicated to @yourstrulyaulery
IWMSB 52:
Phin's more than excited for today's event, kahapon ay hindi siya makatulog ng maayos. Hindi niya masunod ang sinabi sa kanya ni Sadie na dapat magbeauty rest siya para siya ang pinakamaganda sa lahat sa araw ng kanyang kasal. Hindi naman niya kailangan, bukod sa malakas na paniniwala na maganda naman siya with or without make up...hindi naman niya hinangad na maging maganda sa paningin ng lahat. There's only one person that she wants to acknowlegde her beauty, inside and out , that's none other than her husband.
Hindi sila nagkita kahapon because of their parents opposition, naniniwala pa rin ang mga ito sa pamahiin? Sa bagay, sa isip niya, para mayroong sabik factor. Kailangan niyang pigilan ang sarili niya para hindi madaliin ang pari na tapusin na ang kanilang kasal, after this day, magsasama na talaga sila ni Ron sa isang bahay, malayang gigising sa umaga na hindi kailangan nitong tumakas and most of all they're free to express their love for each other when words are not enough.
Malaya niya ng inaamin na mas nasasabik siyang makasama si Ron, she can't deny her increasing sexual needs, that he always rejected. Napakagat labi siya nang maalala na ginawa nila ni Ron na muntika ng milagro sa opisina nito. Iyon ang araw na nakita niya sina Ron at Atasha na magkayakap. She walked out without hearing his side, pero habang bumababa naman ang elevator, naisip niya na bakit siya susuko, samantalang siya ang asawa, siya ang may karapatan. Bumalik siya muli na nandoon pa rin ang galit, nadatnan niya ang secretary ni Ron na nagulat ng makita siyang muli.
"Ma'am. Bumaba po si sir Ron, hinabol po kayo."
"I'll go to his office." Iginiya siya nito papasok sa opisina. Siya naman ay naupo sa upuan na nakalaan para kay Ron. She will let him know who owns him. Hingal na hingal ito ng pumasok sa loob. Hindi niya itatago ang kanyang galit, selos at malaking tampo dito.
"Medyo malaki na ang boobs mo , look again." Sagot nito nang ikinumpara niya ang hinaharap sa lumuluwang dibdib ni Atasha.
"I'm glad hindi ka umalis." Ngumiti ito atpinaglalaruan ang kanyang mga kamay. Sinuyo siya nito, they ended making out in his table, hindi tumigil si Ron hanggang hindi pumapasok sa puso, isip at kaloob looban niya na wala itong dapat ikaselos dahil ito lamang ang mahal niya.
Ron insisted that they must do it again sometime soon, yung all the way na daw talaga. Piningot niya ito dahil sa lumalalang kapilyuhan.
"Good morning, mommy!" bumukas ang pinto, niluwa noon ang kanyang ina na nakasuot pa rin ng pantulog katulad niya. Tumungo ito at naupo sa kanyang gilid, inalis niya muna ang mata na nakatingin sa kanyang magandang wedding gown.
"Excited?"
"Very much mommy," gusto niyang maiyak sa tuwa habang hinihimas ng kanyang in ang kanyang mukha...
"Kumain muna tayo ng breakfast."
"I don't think I can eat." Natatawang sabi niya dito, pakiramdam niya kasi busog na busog siya, hindi siya makaramdam ng gutom dahil sa sobrang excitement na mangyayari ngayong araw. Napilit pa rin namnan siya ng kanyang mommy, pagdating niya ay kumpleto ang kanyang pamilya sa hapag. She kissed her father's cheek. Phytos teased her about their wedding, sinusupil niya ang kilig dahil nakatingin siya sa daddy niya na seryoso pa rin hanggang ngayon.
Dumating si Sadie kasama ang make up artist na magaayos sa kanya, kasunod ang dalawang photographer na kukuhanan siya sa bawat proseso. She wanted to call Ron kaya lamang ay kinuha ng kanyang baliw na kapatid na lalaki ang kanyang phone para daw dagdag excitement sa pagkikita nila. Panaka naka siyang tumitingin sa wall clock, just four hours away...
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan