IWMSB 28: but with you

96.6K 2.7K 210
                                    

...

IWMSB 28:

Pagkapasok sa loob ng bahay ay sigaw ni Phytos ang narinig nila. Nakita nila ito sa sala habang ginagamot ang mukha ng isang babae.

"Aray, ano ba! Ang sakit ah!" Reklamo na ng kanyang kapatid habang nakakatingin sa babae na may hawak na bulak , nakakatanggap din ito ng sermon.

"Yabang mo kasing magyaya ng away, hindi ka naman umubra!"

"Kayang kaya kong pabagsakin yun no, naunahan lang ako." Mayabang na reklamo ng kanyang kapatid, si Sadie ay nagpaalam na para umakyat, siya naman ay lumapit sa kapatid.

"What happened?" Tanong niya sa mga ito. Napahinto naman ang babae at mabilis na tumayo. Alanganin pa itong nakangiti sa kanya.

"Hello po, ako po si Miguel." Pakilala ng babae, hindi niya mapigil na tumaas ang kilay. What a name for a girl, pero siguro may karugtong yun.

"Hello Miguel?"

"Miguel San Miguel ate , ang sagwa talaga. " nang-aasar na sabi ng kanyang kapatid, nabigla naman siya ng sinampal ni Miguel ang kanyang kapatid, sa mismong sugat nito, dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

Imbes na mainis, she looks amuse.

"Problema mo? Sumbong kita sa tatay ko eh!"

"Di ako natatakot sa General mong tatay lalo na sa'yo." Ingos ng kanyang kapatid. So that explain kung bakit naka combat uniform ito...she's an army girl? Interesting.

" so sa hapon ka lang takot?" Nang-aasar pa ito na agad naman na ikinapikon ng kapatid niya. Bigla na lamang siya natutuwang panoorin ang dalawa. Hindi niya na pala kailangang tanungin, alam niya na kung ano ang dahilan kung bakit may pasa ito.

"I'm going, si Rojan na lang pupuntahan ko." Paalam nito sa kanyang kapatid.

"Wag ka ng umasa doon, ayaw noon sa mga babaeng ayaw sa hayop!" Ito naman ang nang-aasar.

"Kaya ko makibagay sa hayop, ikaw nga  napagtyagaan ko!" Bago pa man makaganti si Phytos ay tumakbo na ito sa pinto, pero muli itong pumihit para makausap siya.

"Ate, maganda ka pala talaga sa personal, no wonder ikaw yung first love ni Rojan, pero ate ako naman yung ka forever nya eh , kaya hindi ako galit sa'yo." Ngumiti pa ito, sumigaw naman ang kanyang kapatid.

"Amazona! Lumayas ka na nga!" Nakaalis na ito pero hindi pa rin nawawala ang inis ng kanyang kapatid. Siya na ang lumapit sa tabi nito para gamutin ang sugat nito.

Nakalabi ito parang noong mga bata lamang sila.

"Para kanga baliw ate, nangingiti ka mag-isa." Komento nito, hindi niya namalayan.

"Wala lang...naisip ko lang, bagay kayo ni Miguel." The name was so manly but somehow it fits the woman's personality. And Phytos needa someone like her.

"Hindi ka pala parang baliw ate, baliw ka na talaga!" Tumayo na ito at iniwan sya doon. Napatingin siya sa first aid kit. Kung ito lang sana pwedeng panggamot sa sugat niya noon, hindi na niya sana kailangang lumayo...malayo sa kanyang pamilya at mga kapatid. Pero konsolasyon naman nito ay natagpuan niya ang kanyang pangarap.

Nasa loob siya ng kanyang kwarto ng makatanggap ngntawag mula kay Owen. She answered it immediately.

"Hi love!" She greeted joyfully, bakas naman ang kaligayahan ng nasa kabilang linya.

"I miss you much." Sweet na reply nito sa kanya. Kinumusta nila ang isat-isa. Pinag-usapan rin nila ang kanilang plano oras na makabalik siya sa London. Sandaling katahimikan bago niya binuksan ang topic tungkol kay Ron, ayaw niyang maglihim kay Owen.

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon