/4/

5.6K 250 17
                                    

Biglang inilapag nung coach nila ang mga alak at umupo sa sahig.

Nagtawanan ang lahat ng sumigaw ito ng "Inuman na!" at walang ka abog-abog na nagsiupuan ang lahat sa sahig upang uminom ng alak.

Oo nga naman, pano mo matatawag na celebration ang isang celebration kung walang alak? Pero iinom ba ko? Hindi naman sa hindi ako umiinom, wala lang kasi akong tiwala sa mga kasama ko ngayon dito. Mahirap na't baka malasing ako.

"Umiinom ka ba?" mahinang tanong ni Neil.

Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

Hindi nagbago ang kanina pang ekspresyon sa kanyang mukha na parang malungkot na ewan.

"Iinom ka?" tanong niya ulit.

Gusto ko sanang uminom kaya lang baka kung ano pang mangyari sakin. Mas mabuti nang isipin ko ang tama kesa sa gusto ko lang gawin.

"Kasi kung iinom ka hindi nalang ako iinom." Tinapik niya 'ko sa balikat, "Babantayan nalang kita," dagdag pa niya.

Nakaramdam naman ako ng kakaibang init sa aking pisngi. Ano ba 'to? Bakit ba ganto ako tratuhin ng Neil na 'to?

"Ay nako, hindi naman ako mahilig uminom e. Sige na uminom at makisaya kana sa kanila. Ayokong maging sagabal para hindi ka makapag-bond sa mga teammates mo."

Para namang lalong lumungkot yung ekspresyon ng mukha niya.

"At isa pa, may gagawin pa 'kong assignment 'di ba? Kaya hindi ako pwedeng uminom," pagsisinungaling ko.

"Sige... dyan ka muna't iinom ako. Wag kang aalis dahil ihahatid pa kita sa inyo."


Nginitian ko nalang si Neil dahil talagang wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.


Umupo na ito sa sahig at tuluyan ng nakisama sa mga kaibigan sa inuman. Pero bakit parang mayroong kulang? Wala pa dito yung mukhang koreano saka yung pashneang si Zac. Ay, mukhang hindi na pumunta dahil nandito ako.


Ano kayang problema nung lalaki na yon sakin at sa mga kagaya kong bakla. Kung makapagsalita kala mo ginahasa ng bakla e. O baka naman ginahasa talaga siya ng bakla. Ah ewan!


Unti-unti akong napapikit sa antok. Inunan ko nalang yung ulo ko sa armrest ng sofa. Gabi na din kasi kaya siguro inaantok ako.

Na-alimpungatan nalang ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang bigat mula sa aking balikat. Ano naman kaya ito?

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at laking gulat ko ng makitang naka-subsob sa may leeg ko ang isang amoy alak at lasing na lasing na lalaki.

Pag-tingin ko naman dun sa may sahig ay mukhang hindi parin tapos ang inuman nila, pero 'di gaya kanina kumonti na sila.

Marahan kong inangat yung mukha nitong lalaking naka-subsob sa leeg ko.

Nanlaki at namilog ang aking mga mata ng malaman ko kung sino 'tong lalaking feel na feel ang pagkaka-unan sa balikat ko.


Bigla ko siyang naitulak dahilan para humampas ang mukha niya sa kabilang parte ng sofa. Mukhang sa sobrang tigas ng mukha nitong Zac na ito'y hindi manlang siya nagising sa ginawa ko.


Nagulat ako ng pag dako ng mga mata ko sa may sahig nagtatakang nagtinginan sakin ang mga umiinom dun — kasama na si Neil at Patrick.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon