Hindi pa kami nakaka-lapit sa table ng basketball team ay bigla namang nag si tayuan yung ibang members nila. Narinig ko ang sabi ng ilan na tinext daw sila ni coach para sa special training nila. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit naiwan doon na kumakain si Zac, Patrick, at yung dalawa pang teammates nila na nakalimutan ko na yung pangalan.
Naka-ngiti namang inilapag ni Neil yung food tray ko sa table nila. Napansin kong bakas sa mukha ni Patrick ang pagtataka, kay Zac ay irita, at doon naman sa dalawa ay wala lang silang paking kumakain.
"Oh, upo ka diyan at 'di ba sabi mo kanina gutom na gutom ka na?"
Wala ng pabebe pa! Pagka-sabing pagka sabi ni Neil noon ay walang ka-abog abog akong umupo sa tabi ni Patrick sabay lantak dun sa mga pagkain na binili ko.
Kain dito, subo dito, nguya diyaan, lunok doon. Basta wala na akong pakialam sa paligid. Nguya lang ako ng nguya. Diyos ko kanina pa 'to hinahanap ng mga alaga kong bulate sa tyan e.
Nanlaki ang mata ko ng mapansing ubos na pala yong mga pagkain ko.
Doon ko lang din na-realize na nakatingin na pala sakin ang lahat ng lalaki sa table. Si Patrick gulat na gulat, si Neil na naka-ngiti lang, yung dalawa na naka-bukas pa ng bahagya ang bibig habang naka-titig sakin, at si Zac... si Zac na tumatawa?!
Tawa ito ng tawa habang naka-hawak pa sa tiyan. Ngayon ko lang na-realize na ang gwapo niya pala talaga pag naka-ngiti. Sobrang sexy ng smile niya.
Natigilan ito sa pag-tawa ng mapansin niyang nakaka-hatak na siya ng atensyon hindi lang namin kundi pati ng mangilan-ngilang estudyanteng kumakain.
Inikutan ko 'to ng mata, "Anong nakakatawa?"
Biglang sumeryoso ang mga mata niya sabay tingin sakin ng direkta, "Ikaw."
Ay ning! Parang biglang nag tatatalon ang malandi kong puso! I swear.
Narinig ko naman na umubo bigla si Patrick sabay senyas sakin na tignan ang nasa harapan ko na si Neil.
Nagtaka ako dahil sa hindi maipinta ang mukha nito. Gwapo pa din naman kahit parang nalukot na papel ang noo niya.
"Ikaw, anong problema mo?" irita kong tanong kay Neil.
Napansin ko naman na nagsiubuhan yung tatlo maliban kay Zac.
"Ano ba meron? May mga sakit ba kayo? Ah, now I know kung bakit hindi kayo sinama sa special training," ang sabi ko.
"Ha? Ano bang sina-sabi mo dyan Rancis?" tanong ni Patrick.
"Narinig ko kasi kanina bago kami umupo dito ni Neil na yung mga umalis na teammates niyo ay may special training," paliwanag ko.
Napansin ko naman na napayuko si Patrick. May mali ba sa sinabi ko? Ang hirap talagang intindihin ng mga lalaki! O, hindi ako lalaki bakla ako. Eksaherada kayo. alam kong maiisip niyo yan.
"Hindi kaming apat kasama sa special training dahil masyado ng advance ang skill namin para doon. Pero si Patrick hindi kasali don dahil hindi pa pwede sa level niya yung training na yon," seryosong sabi ni Zac.
"Kaya siya laging naka-bangko," ang dagdag pa nung isang hindi ko kilala.
"Kaya nga hahahaha!" kuda pa nung isa.
Napansin ko namang yukong-yuko na si Patrick. Siguro na do-down sa sarili niya. Pashnea kasing mga ka team niya na 'to ang ha-harsh magsalita kala mo wala sa harapan nila yong kausap nila.
"Hoy kayong apat!" sigaw ko sabay turo kay Neil, Zac, at doon sa dalawa.
"T-Teka... bakit ako na damay? Wala naman akong sinabi ah?" ani Neil.
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...