Seryoso akong nakikinig sa mga tinuturo ni coach Genevieve — ang coach ng rhythmic gymnastics team — dahil mataray ito't mabilis magalit lalo na kapag hindi namin agad na kukuha ang mga tinuturo niya.
Hiwa-hiwalay sa tatlong disciplines ang gymnastics: una, ang acrobatic gymnastics na naka-focus sa teamwork. Para lang din itong cheerleading with a twist. Pangalawa, ang aerobic gymnastics naka-focus ang discipline sa strength, flexibility, at aerobic fitness. Ayoko diyan dahil nakaka-laki ng muscles. At ang pangatlo at pinaka-sikat sa lahat, ang rhythmic gymnastics kung saan ako kasali. Sa rhythmic gymnastics para ka lang nag ba-ballet while manipulating an apparatus. Pinapa-pili din kami kung saang apparatus kami mag-fo-focus kagaya nalamang ng ball, ring, clubs at ang pinili ko ay ribbon.
Actually babae lang talaga ang puwedeng sumali sa rhythmic gymnastics pero dahil astounding daw ang skills ko at mukha at katawang babae naman daw ako. Pinayagan ako ng Fédération Internationale de Gymnastique (FIG) na makasali.
Pero meron itong kapalit, kailangan kong mag hormonal replacement therapy in short mag take ng estrogen pills upang maging babae ang katawan ko't matawag ako bilang isang transwoman ng FIG.
Masaya naman ako dahil bilang isang beki pangarap ng marami ang maging isang babae.
"Chanel, Thalia, at Miracle bakit nadagdagan ang timbang niyo ng 2 pounds?! Ano bang ginagawa niyo't pinapabayaan niyo ang mga sarile niyo?!" bulyaw sa kanila ni coach.
Nakalimutan kong sabihin na isa ring gymnasts si Thalia — ang girl best friend ko.
"S-Sorry coach napasarap lang ng kain," paliwanag ni Chanel.
"N-Nakalimutan ko kasing inumin yong weight loss pills ko coach kaya tumaba ako," ani Miracle.
Tinignan ng masama ni coach si Thalia, "At ikaw Thalia ano ang alibi mo?"
Yumuko bigla si Thalia, "S-Sorry coach..."
Bihira lang maging ganyan ang reaksyon ng babaeng yan. Ibig sabihin talagang may nangyayari, at hindi ako aware kung ano yun.
"Hindi ko hinihingi ang sorry mo! Ang kailangan ko ay dahilan. Bakit nadagdagan ang timbang mo?!" gigil na sabi nito.
"K-Kasi coach..."
"KASI ANO?!" bulyaw ni coach.
Coach is oblivious that she's putting us in so much pressure. Kagaya nalang nakaraan nag mental breakdown yung isa naming teammate.
"Kasi coach... k-kasi b-buntis ako," naluluha nitong sabi.
Napasinghap kaming lahat. Bigla namang napayakap sakin si Thalia habang umiiyak. Tarantadong Javier yun, binuntis si Thalia. Kakausapin ko siya mamaya.
Bigla namang sumeryoso ang mukha ni coach Genevieve, "Thalia, I am really sad to say this but you cannot join the regional competition. Alas, you cannot join our gymnastics team. I suggest you quit right now or I will be forced to file a report to fire you. Mare-record yun sa record mo kaya pag-isipan mo ang mga sinabi ko."
"C-Coach... maawa ka naman sakin oh? Gymnastics is my life. Mamamatay ako pag hindi ko to nagawa. I will die!" sigaw nito.
"Then die. I cannot help you any longer." Sinenyasan ni coach sina Miracle at Chanel na ilabas na ng gym namin si Thalia.
"Get off of me!" umiiyak na sigaw ni Thalia.
"B-Bitawan niyo siya!" sigaw ko sabay hatak sa kaibigan ko.
"Hindi niyo kailangang ipagtabuyan ang kaibigan ko na parang hindi niyo sya nakasama. I can't believe this! Bilang pinaka-mataas na gymnast dito sa St. Therese hindi ako makakapayag na ganituhin niyo lang ang kaibigan ko," nanggi-gigil kong sabi sa kanila.

BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...