/7/

5.7K 254 13
                                    

Sa laro ng pag-ibig ang unang mahulog, siya ang talo. Pano manalo? Kapag sabay kayong nahulog sa isa't-isa.


"Bitaw," matigas kong sabi.


Binitawan naman niya 'ko.


"Bakit mo ba 'ko biglang hinatak?" tanong ko pa sa kanya.


"Na-miss kasi kita e!" sabi niya sabay yakap.


Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Ano kailangan mo?"


Ganyan yan, nakaka-alala lang na mayroon siyang kaibigan pag may kailangan.


Kumalas siya sa pagkaka-yakap niya sakin sabay nag-pout.


Bakit ba ang abnormal ng kaibigan ko na 'to?


"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin Rancis ko? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin?" madamdamin niyang sabi at kunwari'y nagpupunas pa ng luha.


Bumuntong hininga ako, "Okay, fine... I'm sorry. Bakit mo ba kasi ako hinatak? May klase pa ko at dahil sayo mukhang male-late pa 'ko."


This is Javier Policarpio, my best friend. Matagal ko ng kaibigan ang mokong na ito, at mali kayo ng iniisip. Never akong nag-kagusto sa kanya at ganun din siya sakin. Best friend lang talaga ang turingan namin, medyo sweet lang ang mokong sa mga terms of endearment niya.


Minsan tawag niya sakin beslove, minsan naman Rancis ko, minsan fairy ko, at kadalasan lib(r)es dahil lagi niya 'kong nililibre.


At mali na naman kayo ng iniisip dahil may girlfriend na yung tao. ang best friend ko din na si Thalia (pronounced as Ta-li-ya).


Ngumiti naman ito, "At dahil late ka naman na din samahan mo nalang ako sa cafeteria para kumain. May request kasi ako sayo beslove e."


Sinabi ko na nga ba. May kailangan lang ang mokong.


"Oh siya-siya, ano pa nga ba magagawa ko."


Inakbayan niya 'ko at sabay kaming naglakad papunta sa may cafeteria. Wala pang masyadong tao dahil ang aga-aga pa at nasa klase pa siguro.


"Umupo ka muna dyan libres ako na ang bahala sa kakainin natin," naka-ngising sabi nito.


Napa-irap nalang ako habang tinitignan ang malapad niyang likod na umo-order sa counter.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon