Sinimulan ko nang linisin ang mga sugat sa mukha nitong halimaw na pangit na bakulaw na 'to.
Sinasadya ko talagang diinan ang paglalagay ng betadine sa mga sugat nito kaya napapa-aray ito.
"Ouch!" reklamo ng mokong.
"Ouch ouch. Ouch-ouch-in ko yang mukha mo e! Manahimik ka nga't naiirita ko sayo!" mataray kong sabi.
"Ginagamot mo ba talaga 'ko o ginagantihan?" tanong nito. Ewan ko ah, pero parang medyo nag relax na yung boses niya. Nawala na yung parang laging galit. Ay ewan!
Muli kong dinutdot yung bulak na may betadine sa sugat niya dahilan para mapa-aray na naman siya.
"Tama ka, gumaganti ako. Deserve mo naman 'to e."
"I know," mahina niyang sabi.
"Alam mo, 'yan ang napapala mo sa pagiging asshole mo. Ano ba akala mo? Sayo umiikot ang mundo. Well guess what? May mga taong imposibleng hindi maapektuhan ng mga ikinikilos mo," pagsesermon ko sa kanya.
"I know... it's just that I can't stand gays like you-- aray!"
"Ayan ka na naman. Ano ba kasi ang nagawa sayo ng mga bakla at parang hate na hate mo ang rainbow flag? Not that I'm curious about you," tanong ko.
Tumingin naman ito ng diretso sa mata ko.
Is it me or I'm being drawn by his blue eyes. Crap!
Napangisi ito.
"Obvious na obvious na type mo 'ko," mayabang niyang sabi.
"Ano? Ikaw type ko? Isang pangit na bakulaw na halimaw na may body odor? Never!"
Ang kapal naman ng mukha niyang mag-assume. Hindi lang pala 'to bakulaw... mayabang din pala 'tong isang to.
"Eh wala ka namang sinabing totoo sa lahat ng sinabi mo e. Gwapo kaya ako, hindi ako halimaw, hindi ako din ako isang bakulaw, at lalong wala akong body odor." Ngumisi ito, "At sigurado akong type mo ako."
Tatanggi pa sana ako ng biglang pumasok 'yong nurse kasama si Neil.
Nakita niyang nililinis ko ang sugat sa mukha ni Zac. Napansin ko namang parang nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng... ng inis?
Bakas ang inis sa mukha nito habang naka-tingin saming dalawa ni Zac. Si Zac naman parang wala lang pakialam.
"B-Bakit ka nandito sa clinic Neil?" tanong ko.
Nginitian naman ako nito ng pilit, "Sumakit kasi yung tiyan ko kaya pinuntahan ako ni nurse sa classroom natin." Tinignan niya ng masama si Zac, "Pero parang lalo yatang sumama yong tyan ko ng makarating ako dito."
"Gusto mo ba ng gamot? Hot choco?" tanong nung nurse kay Neil.
Umiling lang ito. Nagulat naman ako ng bigla nitong hawakan ako sa braso.
"Tara na Rancis, may klase pa tayo. Siguro naman okay lang kay Zac na si nurse na ang maglinis sa mga sugat niya't ngayong nandito na ito," aniya.
Tumango naman ako, "Sige, hoy bakulaw si nurse na daw mag lilinis ng mukha mong pangit!"
Pero hindi ako pinansin nito.
Dahil nabastusan ako sa ginawa niya tinapon ko nalang sa basurahan yung bulak na ginamit ko kanina at lumakad na palabas kasama si Neil.
Lumabas na kaming dalawa ni Neil sa clinic.
"Bakit mo naman kasama si Zac?" ma-awtoridad na tanong ni Neil.
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...