/31/

2.9K 123 7
                                    

Malawak ang kanilang hardin na napapalibutan ng nagtitingkarang pulang rosas. Kakaiba talaga 'tong Kristofferson Manor, parang sa isang movie mo lang makikita ang ganitong klaseng landscaping, maganda.

Habang naglalakad kami napansin kong madami silang hardinero, halata sa suot nilang damit at hawak na kagamitan. Madami ding mga katulong na may kanya-kanyang mga trabahong ginagawa.

Medyo na we-weirdo-han nga lang ako sa mga ito dahil sa tuwing titignan ko sila ay umiiwas sila ng tingin. Bakit? Ano bang meron sakin at parang ayaw nila akong tignan?

Bigla akong inakbayan ni Zac na agad namang nagpa-kalma sa akin. Tinignan ko si Zac ng makahulugan pero nginitian niya lang ako.

Patuloy kaming naglakad sa malawak na hardin ng Kristofferson Manor hanggang sa may marating kaming isa pang gate. Hindi ito basta-basta gate lamang. Nakita kong napapalibutan ito ng mga CCTV camera at mukhang mayroon pang guardhouse sa kabilang side ng gate.

"Zac, bakit masyado naman yatang OA ang security sa bahay ninyo?" tanong ko.

"Meron kasing nangyaring insidente dito na naging dahilan para higpitan ng parents ko ang aming security," sabi niya.

"Ganun? Kaya naman pala parang paranoid sa dami ang mga CCTV e," sabi ko sabay turo sa mga camera na naka-tutok sa amin.

"Hindi mo kami masisise," seryosong sabi ni Zac.

Medyo na curious tuloy ako dun sa insidenteng nangyari dito noon. But I think it is better to ask Zac later because I can see that he's trying his best to avoid the topic.

May ni-enter si Zac na passcode sa isang device na nakadikit sa gate at ito ang naging dahilan kaya bumukas ang gate.

High tech. Kabog.
 

Pumasok na kami sa gate na yon at sinalubong kami ng hilehilerang field ng pulang rosas. Sa gitna ay isang pathway na patungo sa malaking contemporary style na manor. Pero bago mo pa marating ang manor agad mong mapapansin ang kulay asul na gazebo sa gitna ng daan.
 
 
Zac smiled, "We should hurry, I heard they're all waiting for us inside."

Para namang nag somersault yung puso ko ng marinig ko 'yong sinabi niyang "They're all waiting for us inside." Ibig ba niyang sabihin ay nasa loob ang buo niyang pamilya para kilalanin ako? Oh shit. Agad kong kinuha 'yong iPhone ko at tinapat ito sa mukha ko. Tinitignan ko kung okay lang ba ang itsura ko, kung maganda pa ba ako? Oh my god namamawis yung kamay ko!

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Zac 'yong kaliwang kamay ko at pinisil ito ng marahan.

"Wag kang kabahan, you're naturally beautiful."

Ah shit! Walang makaka-tanggal ng kaba ko ngayon. I am hyperventilating and it is ticking me off. Hindi naman ako ganito ah? Pero iba kasi ang aura ng manor nila at ramdam kong iba din ang aura ng pamilya niya.

They're elite after all.

"Tara na nga," nginitian ulit ako ni Zac sabay hawak kamay kaming naglakad papasok sa loob ng manor.

Bago pa man kami nakapasok ay napalingon ako sa may likuran ko.

Bakit parang may nakamasid sakin?

Luminga-linga ako pero wala naman akong nakitang tao bukod sa mga hardinero nilang busy sa pag aayos ng hardin.

Bumuntong hininga ako.

Maybe I'm just imagining stuff.

"What's wrong?" asked Zac, then he also looked at our back.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon