Date with Zac Alec Kristofferson.
Matapos ang mahabang araw heto ako't naglalakad mag isa palabas ng St. Therese. Paano ba naman, si coach walang pakialam, kahit putok mukha ko pinag training parin ako. Next week na daw kasi ang regional competition kaya wala akong choice.
Lumapit muna ako sa isang kotseng naka-parada sa gilid ng daan dito sa St. Therese. Pwede namang mag park dito kasi may mga parking meter at mga meter maids na nangongolekta ng bayad.
Tinignan ko sa reflection ng bintana ng sasakyan ang mukha kong may pasa.
Takte! Mukha akong mapayat na panda. Nakakahiya naman pano kung hindi 'to mawala? Paano kung mag mukha akong panda sa regional competition? Hindi 'to pwede!
Huhuhuhu!
Napanganga nalang ako ng biglang bumukas yong bintana ng kotse sabay sumalubong sakin ang isang kamay na may hawak na cellphone.
"Smile!" sabi nung tao sa loob ng sasakyan.
Nabigla ako ng biglang nag flash yung cellphone niyang hawak. This only means one thing! Kinuhaan niya ako ng litrato. Kupal niya!
"Sumakay ka na," madiin niyang sabi.
"Hoy halimaw bakit mo naman ako kinuhaan ng stolen shot! Ano ipo-post mo ba yan sa facebook? Pang ba-blackmail mo ba yan sakin? Subukan mo lang--"
"Sakay," madiin niya paring sabi.
Bigla namang bumukas yong pinto ng sasakyan niya.
I mean yong pintuan mismo next sa driver's seat binuksan niya hindi yong sa kabila.
Tinaasan ko siya ng kilay, "E-Excuse me? Pano naman ako sasakay kung naka-harang ka riyan? A-At bakit naman ako sasama sayo?"
Ngumisi siya, "Sakay na sabi bakla e."
Psh! Napaka-walang modo talaga ng lalaking to, walang pinag bago kala ko pa naman...
"Ano? Akala mo naman magbabago na ang trato niya sayo por que medyo sweet sya nakaraan?" bulong ng konsensya ko.
"Wag ka makinig sa kanya! Ganyan lang talaga ang pinapakita sayong ugali ni Zac para hindi lumabas ang tunay niyang nararamdaman," kuda ng intuition ko.
Tumahimik kayo! Wag niyo na ngang dagdagan ang irita ko!
Inukutan ko lang siya ng mata sabay talikod. Hmp! Ayoko ngang sumama sa kanya. Date? E ni hindi nga ako pumayag na mag date kami e.
Naglalakad na ako palayo ng bigla niyang hablutin ang braso ko dahilan para ma out of balance ako at masubsob sa matigas niyang... dibdib.
"Sasama ka sa akin. Sa ayaw o sa gusto mo," ma-awtoridad niyang sabi.
Mga besh! Hindi ko ma-explain pero bigla nalang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa kakaiba niyang titig sa mga mata ko.
Bigla niya ako hinatak pabalik sa kinaroroonan ng kanyang kotse sabay tulak sakin papasok sa loob ng sasakyan.
"Aray ko!" inda ko ng tumama ang pangupo ko sa upuan.
He smirked, "If you keep resisting you will only experience more pain."
What?! What did he just said?! I have my own moral rights and I will uphold to it even if death is my only faith.
Charot~
"Leche! Saan mo ba kasi ako balak dalhin?" nakabusangot ako habang sinasabi yan.
Naglakad siya palapit sakin. Don't tell me dito sya dadaan sa passenger seat para maka-upo sa driver's seat? I will definitely kill him!
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...