/37/

2.7K 95 6
                                    

Mahigpit ang pagkaka-hawak ni Zac sa akin at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagka-inis. If looks could kill, maybe Neil is already dead by now.

Napatingin ako sa mukha ni Neil na para bang gusto din magalit pero nagpipigil lang. Hindi rin naka-iwas sa aking mata ang natuyong luha sa kanyang pisngi.

"Bakit mo nilalandi si Rancis--"

I immediately interrupted his sentence off, "We were just talking."

Alam kong nakaka-agaw na naman kami ng atensyon dahil tumigil na sa pag-te-training ang mga ka-teammates nila at tumingin na sa amin.

"Talking?" Zac released a bitter air from his lungs, he scoffed. "And what might you two be talking about? Care to share it with me?"

"I said I miss--"

Now I interrupted what Neil is about to say. I cannot handle two muscular boys from fighting. Even though, yes, it is given that  their teammates are here. I cannot guarantee that they will stop this two -- takot lang nila sa captain nila.

"H-He said that he misses your friendship with him. Ayos naman na raw kasi sa kanyang tayo na at tanggap na niya ito." I leaned towards Zac to sound more convincing -- Lier's lean anyone?

Tinignan ako ni Neil nang may halong pagtataka at pagka-inis. What? I am trying to save his skin, he should at least be thankful.

Zac used the back of his fist a cover as he coughed off the awkwardness, "Is that so?"

Tumango-tango ako tapos ay tinignan nang matalim si Neil, "Hindi ba Neil?"

Neil lips formed a smile, "Yes, that's it."

"Okay, madali naman akong kausap p're e. Basta wag ka lang magkaka-maling tantusin si Rancis sakin dahil sinasabi ko sayo." Inangat nito ang kanyang kamao at pinakita ito kay Neil. "Hahalikan mo 'to pag nangyari yon."

"Hindi 'yon mangyayari p're."

Natapos ang kanilang training ng 3:00 PM. Kanina ko pa kinukulit si Zac na paalisin na ako dahil baka bugahan ako ng apoy nang kanyang tita. Pero sabi nito sa akin ay sya na daw ang bahala doon. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko't naniniwala ako sa mga kalokohan ni Zac e.

Pagod na pagod at pawisan ang mga basketball members ng sila ay pumunta sa bleachers. Naka-abang naman ang kanya-kanya nitong mga girlfriends para punasan sila ng nga pawis at painumin ng tubig. Wow lang huh! Very supportive girlfriends.

Napansin ko namang ang wala lang girlfriend sa mga nandito ay sina Patrick, Neil, at Bartz. Tama lang na walang girlfriend yang Bartz na 'yan 'no! Matapos niyang buntisin si Thalia baka masampal ko siya pag nakita kong may jowa siya.

"Baby," pagtawag pansin sakin ni Zac.

Tinignan ko si Zac at nagulat nang makitang naka-pout ito. Ang cute lang e.

"Bakit baby?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinipigilan na kurutin siya sa ilong dahil ang cute talaga.

"Hindi mo manlang ba ako aalagaan?" nag pout pa din ang kanyang namumulang labi pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Alam ko na 'kung ano ang sinasabi nito.

Kumuha ako ng bottled water mula sa shoulder bag ko't ibinigay 'yon kay Zac.

"Sorry baby hindi malamig ah," sabi ko habang pinag-mamasdan ang masayang mukha ni Zac.

"Oks lang baby, basta galing sayo. Kahit hindi masarap. Sumasarap," ngumisi pa 'to pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Bigla namang umubo 'yong mga nasa-gilid namin -- si Patrick at Bartz.

"Masyado kayong sweet nakakaumay na," diretsong sabi ni Patrick.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon