/22/

3.7K 161 13
                                    

Dinilat ko ang aking mga mata at hindi ko na balak sabihin yong cliché na linya ng mga tao na may nakita silang puting kisame. Overused na... stop na? So sasabihin ko nalang sa inyo kung ano ang nakita ko ng idinilat ko ang mga mata ko...

"Diyos ko 'day? Ano 'to?! Anong ginawa niyo sa mukha ko?!" nawiwindang kong sigaw sa tatlong lalaking nasa gilid ko.

Takte!

Ang laki ng pasa sa dalawa kong mga mata para akong panda! Naawa tuloy ako sa sarile ko. Dapat talaga hindi nalang ako umawat kung gusto nilang mag sapakan! Tama, sa susunod na mag angasan pa ang tatlong itlog na ito hahayaan ko nalang sila.

Tumingin ako ng masama sa tatlong lalaking nakayuko... well yong dalawa lang pala dahil ang mokong na halimaw naka-ngisi pa habang nakatingin sakin ng nakakaloko.

"Nang aasar ka ba?!" irita kong bulyaw kay Zac.

Nginisian ako nito, "Ganyan ba? Ganyan ba ang mga lalaking gagawin mong boyfriend? 'Yong sinasaktan ka."

Bakas sa boses ng halimaw na si Zac ang pang aasar sa dalawa.

So, ibig bang sabihin silang dalawa lang ang nag tangkang mag sapakan at sa kasamaang palad mukha ko ang sumalo nito?

"So good boy naman pala ni Zac," bulong ng konsensya ko.

"Tse!" inis kong sigaw.

"Bakla!" ganti naman ni Zac.

"Gago ka!" bulyaw ni Javier.

"Tarantado!" sigaw ni Neil.

"Isa, mag si tahimik nga kayong tatlo!" bulyaw ko din.

"Tangina! Manahimik kayo dyan gusto kong mag pahinga, pinapatay na nga ako ng puson ko dumadagdag pa ang mga bunganga niyo!"

Natigilan kaming apat at napatingin sa babaeng naka-higa sa kabilang kama sa loob ng clinic.

"S-Sorry," paumanhin ko.

Nakita ko namang inirapan lang ako nito sabay takip sa mukha niya ng unan.

"Ikaw kasi e," bulong ni Zac sabay belat.

Bwisit na lalaking 'to. Lakas mang-trip sarap basagin ng mukha!

"S-Sorry Rancis ko..." mahinang sabi ni Javier.

Umiling lang ako, "Okay lang, hindi niyo naman sinasadya e."

Hindi okay! Hindi talaga okay ang itsura ko ngayon. Gusto kitang ibato sa rooftop ng building kung alam mo lang!

"S-Salamat Rancis ah," sabi pa nito sabay akmang yayakapin ako ng lumayo ako ng bahagya.

"Okay na," malamig kong sabi.

Ganern! Pretty lang dapat lagi.

"P-Princess... sorry din dahil hindi ko naman expected na haharang ka kanina e. Sobra kong pinagsisihan ang mga nagawa ko," kuda ni Neil.

Ngumiti ako, "Ano ka ba, wala ito sakin... mas mahalagang napigilan ko ang away niyo."

Hindi ito wala lang sakin! Ang hapdi kaya ng dalawa kong mata! Tapos ano? Ako pa sinisise nitong Neil na ito. So, kasalanan ko pang umawat ako kaya nasapak ako? Ganun ba yon?!

Yayakapin din sana ako ni Neil ng umiwas ulit ako.

"Don't push it," I said nonchalantly.

"S-Sorry," he apologized.

Napatingin ako kay Zac na ngayon ay halos maluha na sa kakatawa. Ganun din sila Neil at Javier.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon