/13/

4.6K 205 2
                                    

3 years ago...


At Prestine Oaks High.



Grade 8 student ako noon sa Prestine Oaks High ng sinali ako ni mama sa isang sport. Ang sabi niya sakin mag-e-enjoy daw ako dito. Magugustuhan ko raw ang mga ituturo sakin. Basta daw isuot ko lang yung hair extensions. Walang magiging problema.

Napangiti ako ng makita ko yung malaking sign board sa harapan nitong pinto. Malaki ang gusaling ito at talaga namang nakaka-mangha.

Gymnastics Gymnasium, ang naka-paskil dito.

Nagtataka talaga ako kung bakit kailangan ko pang mag-suot ng hair extensions. Pero nag kibit balikat nalang ako at sumunod kay mama papasok sa loob nitong kakatwang gusali.

Sa loob ay agad kong naramdaman ang malamig na air conditioned room. Malawak ang buong building, mataas ang kisame nito na mayroong malaking chandelier sa itaas. Ang buong paligid naman ng kwarto ay napapa-libutan ng salamin.

Wow! Ang nasabi ko sa isip ko.

Nagsi-tinginan sakin ang mga babaeng kanina ay nag-e-ensayo. Teka, bakit walang lalaki sa loob ng silid na ito? Bakit... Bakit puro babae?

Nginitian ko sila pero tiningnan parin nila ako ng seryoso. Ang weird.

Mayroong babaeng mukhang nasa edad 24 ang kinakausap ngayon ni mama. Ngumingiti silang dalawa sakin habang nag-u-usap.

Matapos ang araw na 'yon ay tuluyan na 'kong naging miyembro ng Gymnastics. Isa na akong gymnast.

Akala ko madali lang. Pero nagkamali ako. Mahirap pala ito. Ang pag galaw, pag-ikot, at pag-kembot ay dapat mag synchronize  sa hawak hawak naming mga apparatus.

Ang ibinigay sakin ni Ms. Wilma — yong babaeng kinausap ni mama — ay isang ribbon.

Mahirap gamitin ang ribbon. Bawal mabuhol dahil kabawasan daw yon sa puntos ko sa tunay na kompetisyon. May instance na titisod ako nito, nabubuhulan at kung minsan naman ay natatamaan sa ulo sa tuwing sinusubukan kong mag tricks.

Sa tuwing nangyayari ang mga yon ay tinatawanan lang ako ng mga baabeng kasama ko sa team. Ni minsan hindi nila ako kinausap o sinama sa grupo nila.

Hindi naman daw kasi ako tunay na babae at nandito lang ako dahil sa nanay ko.

Dati kasing isang professional gymnast si mama na kilala sa buong bansa. Naipadala na siya sa Russia, Korea, at Norway. Sayang nga lang at hindi niya na achieve ang maka-pasok sa world Olympics dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Ginugol ko nalang ang atensyon ko sa pag ta-training dahil inisip ko na ayokong ma-disappoint sakin si mama. Ang taas ng expectations niya sakin... sobra.

Gagalingan ko.

Ang mga araw ay naging linggo na naging buwan.

"Pota ka! Kailan mo ba matutunan ang simpleng pag ikot?! Hay nako! Hindi ka na talaga makaka-tuntong sa isang competition. Just quit!" bulyaw sakin ni coach.

Pinagtawanan naman ako ng mga babaeng nasa likod ko. Sanay na ako. Halos araw araw ba naman nila akong ginaganto e. Sanayan lang yan.

"Rancis! Pitong buwan ka ng nag-te-training at mga basics lang hindi mo magawa. You're hopeless! Kakausapin ko ang mama mo. Sasabihin ko sa kanya na wala ka nang pag-asa. Just quit already! I am just doing my freaking job and you are making it hard for me!"

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon