/14/

4.6K 204 3
                                    

Ngumiti ako ng malawak, "Zac, if that's really what you want. Then I'm cool with it."

Nakita kong napa-facepalm si Bartz at James.

Si Patrick naman ay tuwang-tuwa.

Habang si Zac ay naka-ngiti sakin. Para bang alam niya ang iniisip ko.

"Alam ko na! Manli-libre ako. This calls for a celebration! Bartz at James samahan niyo 'ko sa counter!"

Tumayo na si Patrick at masayang pumunta sa counter para um-order. Nag-alinlangan naman ang dalawa kung tatayo ba sila para sundan si Patrick pero agad din naman silang sumunod sa dalawa.

I can feel the tension between this two. Lalo na't naiwan kami ngayong tatlo dito sa lamesa.

Neil is quietly staring at Zac. While a full grin is plastered on Zac's face.

"Is there something wrong between the two of you? Magka-sama kayong dalawa sa isang team kaya kung may problema kayo dapat niyo na 'yang ayusin para hindi lumala," litanya ko sa dalawa.

Nginitian ako bigla ni Neil, "Wala, wala namang problema Rancis e. Tara na sa HUMSS building at may klase pa tayo."

Ay! Oo nga pala. Muntik ko ng maka-limutan na mayroon pala kaming Quiz ngayon sa practical research! Gosh! Baka bumagsak ako nito kaka-absent sa mga klase ko.

"Sige tara na. Nako nakalimutan ko na yan!" sabi ko sabay tayo.

Bigla naman akong inakbayan ni Neil. Napansin kong naka-ngisi ito habang naka-tingin kay Zac. Ano ba meron sa dalawang 'to? I swear nakaka-curious.

Naglakad na kami palayo doon sa table ng biglang may humawak sa kanang kamay ko dahilan para mapahinto kaming dalawa ni Neil sa paglalakad.

Nilingon ko kung sino yon at nagulat ako ng makita ang seryosong-seryosong-seryosong mukha ni Zac.

Pinanlakihan ko ito ng mata, "Ano na naman ba problema mo?"

"Hindi ka aalis sa table na yun," may halong pangigigil nitong sabi.

Ayt! Medyo natakot ako mga ning. Para kasing papatay ng tao ang mga tinginan niya e.

Napalunok ako ng laway, "B-Bakit naman hindi?"

Biglang itinulak ni Neil si Zac ng bahagya gamit ang kamay niya na hindi niya pinang-akbay sakin. kaya nabitawan ni Zac ang pagkaka-hawak sakin.

"No, ma-le-late na kami sa Practical Research," madiin na sabi ni Neil.

"T-Tama!" pag-sangayon ko.

"I don't fucking care. Bakla, tara na!"

Mapwersa niya akong hinatak papunta sa kanya dahilan para matangal ang pagkaka-akbay sakin ni Neil.

Mga bes ano ba ang nangyayari?!

Bigla akong inakbayan ni Zac (ang bigat ng braso ng halimaw na 'to) sabay tingin nito ng matalim kay Neil.

"Get lost!" Ani to kay Neil.

Bakas sa mata ni Neil ang inis at galit. Okay, ang we-weird na talaga ng mga ikinikilos nilang dalawa.

Siniko ko sa sikmura si Zac dahilan para masaktan yung siko ko. Taena! Bakit ba ang titigas ng mga tyan ng mga lalakeng 'to.

"Aray!" irita kong sigaw.

"Tss, dumbass," naka-ngising sabi ni Zac.

"Teka nga!" Tinangal ko braso niya sa balikat ko at lumayo ng konti sa kanya. "Ano ba kasi ang pinag-lalaban mo? Hindi mo ba narinig na may klase pa kami nito ni Neil? Kung may dapat ditong umalis ikaw yun! Get lost!"

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon