So there is this weird feeling inside of us that we can never really explain. Some may argue that it's just some chemical reactions inside our brains. To them, it's nothing special but a common phenomenon that happens to every human being at some point in their lives. But, to those who've already felt this weird feelings; they just don't want it to stop.
Parang ako lang, ayoko muna itong matapos.
Ang sarap lang sa pakiramdam e.
Kumabog ng mabilis ang aking dibdib ng aking mabasa ang nakasulat na mensahe sa aking cellphone.
Bakit?
Bakit ba 'to nangyayari?
"Good morning! ♡♡♡"
6:00 AM"Don't skip your breakfast, magagalit ako >:)"
6:30 AM"Hey, are you done preparing? I'm on my way there. See you, I miss you."
7:00 AMKyaaaaaaaaaah!
Fuck!
Who am I to deserve this?
Isa lamang po akong baklang nag mamaganda, thank you.
Tinanggal ko na 'yong sheet mask sa aking mukha at simpleng nag lagay ng make-up. Gusto kong maging maganda. Mali, sobrang ganda. Gusto ko pag nakita ako ni Zac isipin niyang ako na yata ang pinaka-magandang nilalang na naglakad sa mundong ito. Gusto ko... gusto kong maging pinaka-maganda sa mga mata niya. Bakit? 'Di ko na din alam bakit ko ba ito naiisip. Kusa ko nalang ginagawa.
Matapos kong mag lagay ng kilay, liptint, mascara, at kaunting eyeshadow talaga namang lumutang ang natural kong ganda.
Babaliwin kita Zac. Maniwala ka.
Pagkatapos kong mag ayos ay agad din akong lumabas ng bahay. Nakita ako ni mama at papa nung dumaan ako sa may sala.
Routine na kasi nila mama at papa ang uminom ng kape sa umaga. Hindi ko alam kung ano meron? Pero trip nila yan.
"Rancis, anak, halika nga dito?" tawag sakin ni mama.
Hindi ko kasi sila pinansin. Sa totoo lang ilang linggo ko na silang hindi kinikibo dahil nga sa nalaman kong pinag aawayan na naman nila ang pagiging isang gymnast ko.
"Bakit po?" tanong ko.
"Lumapit ka muna dito," sabi ni mama.
Kaya lumapit ako sa kanila at umupo sa may sofa sa kanilang harapan.
"Bakit po ba" tanong ko ulit.
Huminga muna ng malalim si mama bago nag salita.
"Galit ka ba samin ng papa mo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...