Author's Note:
Hi! I promised back then on my previous AN that I will dedicate a chapter to those readers that really showed support. At ito na po yun. Maraming salamat po sa inyong support. Kayo ang napili ko dahil almost every chapter ng story ay nagvo-vote kayo (di kagaya ng iba na pa-isa isa o dalawa lang vino-vote). Hahaha mga pashnea sila hahaha joke :)
Anyway, sana ma enjoy niyo 'tong chapter na 'to dahil nag-enjoy akong isulat ito. Ganern!
~*~
"Sasabihin ko pa naman sana sa Alexa na yan kung ano ang pinagkaiba niyong dalawa pero... tss... nevermind."
"Sasabihin ko pa naman sana sa Alexa na yan kung ano ang pinagkaiba niyong dalawa pero... tss... nevermind."
"Sasabihin ko pa naman sana sa Alexa na yan kung ano ang pinagkaiba niyong dalawa pero... tss... nevermind."
Anak nampu-- kagabi pa! Kagabi pa paulit-ulit na nag re-rewind sa utak ko ang mga katagang yan na iniwan ni Zac.
Zac, hindi ko na talaga maintindihan ang mga pinag gaga-gawa mong bakulaw ka. Wini-windang mo ang isipan ko. Napapa-isip tuloy ako kung tama ba na mag-assume ako.
"Follow your heart; trust Zac," bulong ng intuition ko.
"Hay nako! Sinasabi ko sayo masasaktan ka lang pag nakinig ka sa bruhang intuition na yan. Halimaw at isang homophobe si Zac, ginagamit ka lang niya para inisin ang ex niya. Wag papa-uto," kuda ng instinct ko.
"Don't expect to much, but, don't close your door either," sabi naman ng konsensiya ko.
Hay nako! Pinapagulo na nga ng instinct at konsensiya ang utak ko ngayon may dumagdag pang isa. Mag si tahimik kayo! Mga pashnea!
"Ay kikeng basa!" napasigaw ako sa gulat ng biglang may bumusina sa gilid ko.
Wait, bakit ba laging nangyayari 'to? Sa tuwing nag-hihintay ako ng bus dito sa waiting shed palagi nalang akong binubusinahan ng halimaw na Zac na 'to.
And he is the last person that I want to see right now.
Hindi ko ito nilingon bagkus ay itinuon ko nalang sa cellphone ko ang aking atensyon.
Open ng gallery, swipe dito, swipe doon, open ulit ng gallery. Takte! Asan na ba 'yong bus na 'yon? Napaka-tagal naman dumating.
I can feel his piercing stare at my side.
Napa-lunok ako ng laway ng biglang may nag-text sakin mula sa isang unknown number. Binuksan ko ito.
"So, you're trying to avoid me?
-Zac pogi."
Nakakaloka! Pano niya naman nalaman ang number ko? Punyaterang Zac 'to lakas talaga mang-urat.
Tumatambol ang puso ko ng pag-lingon ko sa gilid ko ay may lalaki nang naka-tayo dun.
![](https://img.wattpad.com/cover/62634733-288-k214646.jpg)
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...