/33/

3.4K 148 21
                                    

His pain.




This is Neil's Point of View.




Nag-mahal ka kasi ng taong sobrang ganda e. Kaya ayan nasasaktan ka ngayon.

Ayan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko sa nakalipas na linggo. Ngayong araw ang pang walong araw na naging mag ka-relasyon ang taong mahal ko, si Rancis, at ang taong pinaka-kinamumuhian ko, si Zac.

Pero, kahit na nasasaktan ako meron paring kakarampot na pag-asang natitira dito sa puso ko na baka naman... baka naman kahit konti may pag-tingin rin sakin si Rancis. Na sana, hindi lang nya 'yon nakikita sa ngayon.

Sana naging akin nalang. Promise hindi kita sasaktan, promise hindi kita bibitawan, at promise ika'y aalagaan.

 Promise hindi kita sasaktan, promise hindi kita bibitawan, at promise ika'y aalagaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'll take your hands, I'll take your whole life too. Cause I can't help, I've fallen in love with you."

"Bitawan mo 'ko Zac!" inis na sigaw ni Rancis.

Pero parang binging walang naririnig si Zac. Patuloy lang ito sa pag-hatak kay Rancis papunta sa kung saan. (Bale, sa tingin ko lang naman... sa Tennis Court niya dadalhin si Rancis).

Rancis, kung may karapatan lang sana akong agawin ka sa halimaw na naka-hawak sayo e. Ginawa ko na.

Ang buong basketball team ay naka-sunod sa kanilang dalawa. Ang alam kasi nila ay pag-uusapan ngayon 'yong pagiging muse ni Rancis sa basketball team.

"P're, hanep 'no? Ang ganda talaga nyang baklang 'yan. Tignan mo nababaliw na si Zac," rinig kong sabi ni James kay Patrick.

Sino ba namang hindi?

Kanina nga may kasama pa si Rancis na lalake sa cafe e. Alam ko namang walang ginagawang masama si Rancis, kilala ko si Rancis at alam kong hindi sya ganoong uri ng tao. Pero batid ko sa mga mata nung lalaking yon na gusto nito si Rancis. Pano ko nasabi? Ganun rin kasi ang tingin nila Javier, Zac, at Vincent sa kanya e.

At sigurado akong alam 'yon ni Zac kaya sya galit na galit ngayon.

Tama nga ako ng hula, huminto si Zac sa gitna ng tennis court. Hindi ito ginagamit ngayon dahil balita ko ay nasa Timberstone University ngayon ang buong tennis team ng St. Therese para makipag-friendly match sa team ng Timberstone.

"Aray ko!" inis na sigaw ni Rancis.

Shit ka Zac! Kung alam mo lang gustong-gusto ko ng sarguhin yang mukha mo ngayon. Sino ka para saktan si Rancis?

"Anong ginagawa mo kasama 'yong lalaki na 'yon?!" galit na sigaw ni Zac kay Rancis.

Puta. 'Yong pinapangarap ko, sinisigaw-sigawan lang ng iba.

"P're standby tayo baka kung ano gawin ni Zac kay Rancis," rinig kong bulong ng isa naming ka team.

Subukan niya lang saktan si Rancis. Basag sakin mukha niya.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon