/5/

5.3K 207 0
                                    

Nakakainis talaga punong-puno ng suka 'yong damit ko! Ang baho-baho ko na. At kaloka ano 'to? Bakit may pechay na hindi na digest dito sa mangas ng uniform ko!

Pikit-mata kong tinangal 'yung pechay na mukhang hindi na tunaw ng tiyan ni Neil na sumama sa suka nito.

"Amoy bulok!" ang sabi ko sa utak ko.

Natigilan ako sa paglilinis ng uniform ko ng bigla akong nakarinig ng ingay sa taas ng aming bahay.

Sana mali ang iniisip ko. Sana talaga hindi sila--

"Whack!"

Halos kumabog ang dibdib ko ng makarinig ako ng parang may hinampas na tunog.

Nagmamadali akong lumabas sa basement (nandito kasi ang laundry room at incinerator namin) at umakyat pataas sa may master's bedroom kung nasaan ang kwarto nila mama't papa.

Papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng usapan. Mukhang tama ang hinuha ko — nagtatalo sila at mukhang sinaktan na naman ni mama si papa.

"Ano ba kasi ang problema mo, ha?! Bakit ba kontrang-kontra ka sa pagiging gymnast ni Rancis? Alam mo namang pangarap ko para sa kanya ang maging isang sikat na gymnast 'di ba?" narinig kong sigaw ni mama kay papa.

"Honey, intindihin mo naman sana na nauubos na ang pera natin dahil halos kalahati ng kinikita ko ay napupunta sa mga bayarin ni Rancis sa lintek na gymnastics na 'yan!"

"Pak!" rinig mula sa labas ang malakas na sampal ni mama kay papa.

Hindi ko na kaya, mahal ko ang pagiging isang gymnast ko. Pero kung ganito pala ang kapalit noon, kung ganito pala ang epekto nito sa pamilya ko. Ititigil ko nalang.

"Anong lintek?! Wag na wag mong matatawag na lintek ang gymnastics. Alam mo sa sarile mo na ipinagpalit ko ang pangarap ko dahil sayo... dahil..." biglang natigilan si mama.

"SIGE ITULOY MO!" galit na bulyaw ni papa kay mama.

"Ah basta, hindi hihinto sa pagiging isang gymnast si Rancis. Ngayon pa't pasok na si Rancis sa regional competition, ito na ang ticket niya sa national at sunod ay ang mga major Olympics!"

"Kelan pa bago mangyari 'yan?! Isa, dalawa, o tatlong taon? Paano kung may mangyaring aksidente kay Rancis? Edi lahat ng pag-hihirap at ginastos natin sa kanya masasayang lang. Pag si Rancis hindi nanalo sa regional competition tapos na! Hihinto na sa pagiging isang gymnast si Rancis!" sigaw ni papa.

"Wala kang kwenta!"

Nakarinig na naman ako ng isang malakas na sampal.

"Wala kang tiwala o suporta sa anak mo! Wala ka talagang silbe, hinayupak ka!"

"Alam mong hindi yan totoo Herschelle! Ang hirap kasi sayo himdi mo tinitignan yung sitwasyon! Sinusunod mo lang 'yung gusto mo! Bahala ka dyan!"

Nagulat ako ng biglang bumukas yong pinto at lumabas mula dito si papa.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagaalala.

"R-Rancis... narinig mo ba yung--"

Hindi ko na pinatapos 'yung sasabihin niya't dire-diretso na akong tumakbo pa-akyat sa kwarto ko — sa attic.

Ni-lock ko 'yong pinto at dali-daling pinatay yong ilaw, bumungad sakin ang mga
glow-in-the-dark na bituwin at planeta na naka-dikit sa kisame.

Matapang akong tao, pero itong bagay lang na 'to ang nakakapag pa iyak sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapakita sakin ng mga magulang ko na maayos at masaya ang pamilya namin, pero alam ko naman ang reyalidad na hindi... hindi maayos.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon