/11/

5.1K 203 1
                                    

Javier's Point of View

Ang saya, sobrang saya mga pards! Grabe, parang gusto kong magtata-talon sa sobrang saya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang saya, sobrang saya mga pards! Grabe, parang gusto kong magtata-talon sa sobrang saya. Kaya lang hindi ko yun gagawin dahil baka isipin ng mga tao dito sa main gate ay baliw ako. Pero baliw naman talaga ako 'di ba? Baliw na baliw kay Rancis ko.

Shit! Kinikilig ako pag naiisip ko ang pangalan niya.

Matagal ko na din talagang pinag-isipan 'tong nararamdaman ko para sa kanya. At mga pards seryoso ako dito. Hindi ko inisip na dadating ang araw na magkaka-gusto ako sa taong kapareho ko ng kasarian.

Pero shit din naman kasi si Rancis e. Hindi kasi siya mukhang lalaki o bakla! Babae mga pare babae. Mukha niya pang babae, katawan niya pang babae. Hay, hindi talaga mahirap magkagusto sa isang Rancis Ong. Hindi.

Nagtataka nga ko kung bakit ganun ang katawan niyan ni Rancis e. Promise mga pare pag nakita niyo siya sa personal hindi niyo malalamang bakla siya kung hindi pa niya sasabihin. Napatunayan ko na talagang babae siya nung unang beses ko siyang napanood sa gymnastics competition. Pano fit na fit yung suot niyang damit at naka-hair extensions pa siya. BABAE TALAGA MGA PARE.

At yun ang kinakatakot ko. Ang may lalaking maka-agaw sakin sa Rancis ko. Impossible kasing walang magka-gusto sa kanya. Matalino, talentado, maganda, mabait, at astig. Madali talagang ma-fall sa kanya mga pards.

Teka, anong oras na ba? Tinignan ko yung relo ko at nagulat ako ng hindi ko namalayang 8:30 na pala. Late na si Rancis pero hindi parin siya napapadaan dito sa gate. Seryoso, hindi ko namalayan ang oras dahil naka-bantay lang ako sa gate.

Aalis na sana ako para tignan kung nasa gym si Rancis pero napa-tingin ako sa lalaking naka-cap at naka-sandal din sa gilid ng gate. Mukhang may hinihintay din ito.

Hindi naman niya napansin na naka-tingin ako sa kanya dahil naka-ngiti lang ito habang naka-tingin sa kanyang cellphone.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumaan na para lagpasan siya ng mahagip ng mata ko ang tinitignan niya sa cellphone niya.

T-Teka... picture yun ni RANCIS KO AH! Bakit meron siyang mga picture ni Rancis sa cellphone niya at parang aliw na aliw pa siya habang pina-pagmasdan ang mga ito?

Naramdaman kong nagsi-taasan sa ulo ko lahat ng dugo ko. Napakuyom ang kamao ko at parang gusto kong sapakin 'tong lalaki na 'to.

Huminga ako ng malalim sabay lakad sa tabi niya.

"Ehem," pag tawag ko sa atensyon niya.

Huminto naman siya sa pag-tingin sa picture ni Rancis sabay angat ng tingin sakin. Takte, may itsura ang mokong. Mukhang mahirap ang mga kalaban ko ah! Pero mas pogi pa din ako.

"Bakit pare?" walang gana nitong tanong.

Aba't sa reaksyon niya mukhang na-abala ko pa siya sa ginagawa niyang pag-tingin sa Rancis ko ah!

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon