Tuwang-tuwa akong sumakay sa motor ni Neil dahil bukod sa na-miss kong sumakay sa motor — nasira kasi last month yung motor ko — mapapakita ko dito sa lalaki na 'to na hindi niya 'ko dapat maliitin por que bakla ako.
"Sure ka ba na ikaw magmamaneho?" parang nag aalala niyang tanong.
"Wala ka bang tiwala sakin?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganun. Hindi pa kasi kita nakitang nag maneho ng motor sa tagal kong..."
Bigla siyang natigilan.
"Sa tagal mong?" pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.
"Ah wala... s-suotin mo nalang yang helmet baka mamaya sumemplang pa tayo ayokong masaktan ka."
Isinuot ko naman yung helmet dahil mabuti ng sigurado.
"Hoy, ready ka na ba?" nakangisi kong tanong.
"Oo... sige kakapit lang ako."
Nagulat ako ng bigla siyang kumapit sa may beywang ko.
"Yah! Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?"
"Kumakapit," kalmado niyang sabi.
Kalmado siya samantalang ako ramdam kong umaakyat sa mukha ko lahat ng dugo ko sa katawan.
"Aalisin mo kamay mo o itutulak kita?!"
Mukha namang epektibo yung pagbabanta ko dahil agad naman niyang inalis yung pagkakakapit niya.
"Kumapit ka sa hawakan sa likod," utos ko.
Lumingon ako para tignan kung naka-kapit na siya nagulat naman ako kasi paglingon ko sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko yung hininga niyang amoy tic tac.
Hindi ko ma-explain pero bigla akong napatingin sa labi niya. Nawindang naman ako ng bigla siyang ngumiti at lumabas ang pantay-pantay at mala-perlas sa puti niyang ngipin.
I was startled.
Agad akong humarap upang hindi ko na makita pa yung labi niyang mapula at mamasa-masa. Scratch that! Ano ba 'tong mga iniisip ko. Nababaliw ka na ba Rancis Ong?
Bigla kong pinaandar ng matulin yung motor.
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...