Okay! I've decided, hindi na ako magpapa-apekto sa mga lalaki sa paligid ko! Mga sagabal lang sila sa training ko!
Tatayo na sana ako sa aking pagkaka-higa sa madamong gilid ng oval para bumalik sa pagjo-jogging ng diyos ko naman kakasabi ko lang na hindi ako magpapa-apekto sa mga lalake pero ano ba naman 'tong nasa harapan ko ngayon?
Ang buong basketball team ng St. Therese ay kasalukuyang nag-jo-jogging, at oh my lahat sila walang suot na pang itaas.
Etong mga lalaking 'to gusto yatang ma-rape ng mga babaeng nanonood sa pag-jo-jogging nila e! And come to think of it, wala namang mga tao dito kanina maliban sakin at sa mga mangilan-ngilang tumatakbo.
E bakit ngayon parang meron na ditong fun run sa sobrang daming tao?
Bad trip.At tignan mo 'tong Neil na 'to?! Mukhang tuwang-tuwa pa habang pinapanood siya ng mga babaeng kilig na kilig ang mga pwet.
Pangiti-ngiti pa ang mokong.
Inis niya 'ko!
Teka, bakit ganun? Bakit naglalakad papunta sa direksyon ko ang buong basketball team? At talagang kasama pa nila yong coach nila.
Namalayan ko nalang na nasa harapan ko na si Neil, Patrick, Bartz, Zac, James, limang hindi ko kilalang lalaki, at yong coach nila.
Lahat ng kanilang mga mata ay seryosong naka-tingin sakin ultimo'y sinusuri ako ng mabuti.
Ano ba ang nangyayari? Bakit may sampung hubad at nagkikintabang lalaki sa harapan ko ngayon?! (maliban sa coach nila na hindi ko considered bilang isang lalaki).
Nakakaloka!
"Siya ba yun?" biglang tanong ng isang lalaki kay Bartz.
Matangkad at maputi itong lalaki na 'to. May pagka-chinito at yung mga labi niya talaga na mata-taba ang nagpapa-gwapo sa kanya. Actually kahawig niya si Donny Pangilinan.
"Oo, what can you say?" sagot ni Bartz dito sabay tingin ulit sakin.
"E-Excuse me... may kailangan ba kayo sakin?" nagtatakang tanong ko sa sampung lalake sa harapan ko.
Tinignan ko si Patrick sabay sinenyasan kung ano ang nangyayari pero nginitian lang ako nito. Napansin ko namang seryosong naka-tingin sakin si Neil.
Dinadamdam parin ba niya 'yong sinabi ko sa kanya nung isang araw?
"Well... to be honest bakla ba talaga yan?" biglang tanong nung lalaking chinito.
"Oo nga, noong nakita ko nga rin na kasama siya ni Neil sa bench natin dati nagulat din ako nang sabihin ni Zac na bakla sya e," kuda naman ng pinaka-maliit na lalaki sa buong team.
Para itong may lahing arabo dahil sa kapal ng kilay nito at sa pagkaka-hulma ng mata at ilong nito.
"Calvin at Kino, ano ba sinabi ko sa inyo nakaraan? Bakla nga si Rancis bakit ba ang kulit kulit niyong dalawa!" parang naiiritang sabi ni James sa dalawa.
Okay, so ang pangalan nung chinitong makapal ang lips ay Calvin samantalang yung isa naman na mukhang arabo ay Kino.
"So, sinasabi niyo ba saming bakla ang gusto niyong maging muse ng basketball team natin? Nagbibiro ba kayo?" parang may halong inis na sabi nung Calvin.
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...