/2/

6.3K 261 24
                                    

Sa tuwing nakaka-shoot ng bola si Neil tumitingin siya sa pwesto ko't ngumingiti ng malaki. Hindi ko sinasabing para sakin yon pero kasi wala namang ibang tao dito maliban sakin at dito sa isang player na naka bangko. Baka close sila nitong naka-bangko?

Lamang ng 30 points ang team nila Neil sa score na 62-32, at halos 30 points ng score ng Blue Cayotes ay nanggaling dun sa tarantadong Zac na yun. Hindi rin naman nagpapatalo sa kanya si Neil dahil 20+ na yata yung na score ni Neil. Parang hindi nga yung kabilang team ang kalaban nilang dalawa dahil mukhang silang dalawa yung naglalamangan sa score.

Hindi naman kasi talaga ako interesado sa basketball e, sa katunayan nga nyan ay inaantok na ko't napapa-pikit. Pinipilit ko lang talaga ang sarili ko dahil sinama ako ni Neil dito, nakakahiya naman kung tutulugan ko siya 'di ba?

"Close ba kayo ni Neil?"

Napalingon ako sa kanan ko ng biglang magsalita yung lalakeng naka-bangko.

"H-Hindi... hindi gaano."

"Ah ganun ba? Eh kung ipagtanggol ka niya kanina kay captain parang boyfriend ka niya e," natatawa-tawa niyang sabi.

Team captain pala nila yung Zac na yon? Tss, hindi bagay sa ugali niya yung posisyon nya.

Kinunutan ko naman siya ng noo, "Ano bang sinasabi mo diyan? Baka mamaya may makarinig sayo isipin totoo mga sinasabi mo."

"Bakit ayaw mo ba?" nakangisi niyang sabi.

"Oo, tama ka dyan. Ayoko," madiin kong sabi.

"Alam mo kasi nakaraang linggo pa nun sinasabi samin na ipapakilala daw nya yung kaibigan nya samin ngayong laban dahil manonood daw. Inaasar nga namin na baka girlfriend niya, e yun naman pala bakla," sabi niya.

"Nadismaya ba kita? Pasensiya na ah, sorry."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"No, hindi naman sa ganun. You know what, to be honest with you, papasa kang babae e. Kung medyo humaba pa ng konti yang buhok mo."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano dapat kong maramdaman dahil sa sinabi mo?"

"Hay sayang ka."

"Anong sayang?" tanong ko

"Sayang sana naging babae ka nalang."

"Ano bang trip mo--"

"Mukhang nagkakasundo kayong dalawa nito ni Patrick ah," biglang singit ni Neil.

Mukhang nag break sila mula sa paglalaro at grabe tagaktak kung tagaktak yung pawis niya.

"Ah, medyo pare ang sarap pala kausap nitong si Rancis e," biglang sabi nung Patrick.

"Hoy, ano bang sinasabi mong lalaki ka?" iritable kong sabi.

Hindi naman pinansin ni Neil yung sinabi niya't ibinaling yung atensyon sakin.

"Rancis, nakita mo ba yung mga 3 points shot ko dun kanina?" sabi niya sabay kunwaring nag sho-shoot ng bola.

Natawa naman ako sa sinabi niya, "Napaka-hangin naman oh. Oo na, nakita ko."

"Ginalingan ko talaga e kasi nanonood ka."

"Nang uurat ka ba? Mag punas ka nga ng pawis at tumatagaktak na yan."

Nagtaka ko kasi biglang tumayo sa harapan ko itong Neil na 'to.

"Oh, anong tinatayo tayo mo dyan sa harapan ko?" tanong ko.

Ngumiti lang siya't tumingala.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon