/16/

4.8K 180 8
                                    

Naaalala mo pa ba noong unang beses na may taong umamin sayo sa nararamdaman niya? Siguro noong grade six ka, noong JS prom niyo, or nung graduation. Naalala mo pa ba yung pakiramdam kung paano nito pina-kabog ang nananahimik mong puso? Yung mga tingin niya sa iyong mga mata? Yung paghinto ng oras? Yung pag-ikot sa iyong tiyan? Yung pagiisip mo sa kanya sa gabi? At yung mga instances na napapansin mo nalang na naka-ngiti ka... at siguro habang binabasa mo ito mayroong isang taong nasa isip mo? Tama ba 'ko? Tama ka... siya nga... ang taong nakakapag pabilis sa puso mong puro cholesterol.

"As I was saying, alam mo ba na sobra talaga akong naiinis kasi mukhang..."

Mayroon akong nabasa noon na isang quote sa facebook. Ang sabi sa quote: "If you are torn between two lovers and you find your heart pounding nonstop for the first guy, marry the second guy that keeps your heart warm."


Noong una hindi ko ma-gets kung bakit mo kailangang piliin yung taong hindi nakakapag-pabilis ng tibok ng puso mo. I just don't get it. 'Di ba nga sign na gusto mo ang isang tao kapag bumibilis ang tibok ng puso mo when he's around? Pero ngayon na-realize ko na hindi pala yung kilig ang dapat nating hanapin sa isang relasyon. Kundi ang init... init ng pagmamahal.


"Hey, Rancis Ong, are you even listening? You've been staring blankly at that freaking mirror for hours!"


Nabigla naman ako ng biglang may nag-salita sa gilid ko. Tinaasan ko lang ng kilay ang ngayo'y nag i-i-stretching na babae sa gilid ko. Nakahawak ang kanan nitong kamay sa steel bars ng gym habang binabanat ang manipis na katawan.


"What? Para saan yang kilay na 'yan?" irita niyang tanong sakin.


I can't help but to feel guilty when I'm with her.

"Ikaw, hindi ba makaka-sama sa dinadala mo yang stretching? Sigurado ka bang safe sayo yan? Heck! Tama ba talaga ang desisyon ko na ipaglaban ka kay coach?!" seryoso kong sabi.


I don't know. Kung mayroon kasing mangyayari kay Thalia ng dahil sa pag-gi-gymnastics niya ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarile ko. It is me who did the work for her to be able join on our team again after all.


Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla akong yakapin ng bruhang ito. Ibinaon pa niya ang mukha niya sa dibdib ko.

D-Did I suddenly...scratch that thought! Bakla ako. Nakaka-suka naman yang idea na pumapasok sa isip ko ning.


"S-Salamat Rancis... thank you kasi kahit ang gaga-gaga ko ay hindi mo parin ako iniwan. Hindi mo ako hinusgahan hindi kagaya ng... ng Javier na yun!"


Napansin naman kami ng mga ibang gymnast dito sa loob ng gym kaya sinenyasan ko nalang sila na wag kaming intindihin.


"Ano ka ba! Judging you is the last thing that I will do. Best friend mo ako kaya ako ang magiging support system mo. Kahit pa gaga ka!" sabi ko sabay kutos sa ulo niya.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon