/6/

5.5K 218 7
                                    

Nagulat ako dahil sa lakas ng pagpreno ng bus ay napasubsob ako sa dibdib niya.

Agad kong naramdaman ang matigas niyang dibdib at hindi ko inaasahang mararamdaman ko din pala pati ang pag kabog ng kanyang puso.

Mabilis ito at parang nangangarera. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ako ang dahilan ng mabilis nitong pag-tibok. Ayt! Napaka-assuming mo talaga Rancis Ong. Siyempre nagulat yung tao kaya ang bilis ng tibok ng puso niya.

Napatingala naman ako sa mukha niya at nabigla ako ng naka-tingin pala siya sakin.

"Ehem," mahina niyang sabi.

Agad akong lumayo sa kanya at umayos ng upo.

"Pasensya na," mahina at pabebe kong sabi.

Hinawi ko pa yung hangang tenga kong buhok.

"It's fine. Hmm... I think I've seen you somewhere before. It's mind boggling how familiar your face is."

Napakunot noo pa siya habang seryoso akong sinusuri.

Grabe napaka-gwapo talaga nito ni Vincent Gonzalez. Hinahangaan ko siya as in crush na crush dahil hindi lang siya gwapo, napaka-talino pa't bait. Siya ang inspirasyon ko kung bakit ako patuloy na nag-aaral ng mabuti, kung bakit ko ginagalingan ang pag gi-gymnastics. Umaasa kasi ako na kung gagalingan ko ay baka kahit papaano ay mapansin din niya 'ko.

Kung sa talino lang ay walang-wala ako o kahit na sino pang estudyante sa St. Therese ang makakapantay sa talino niya. He is a mathematics wizard, Philippines and world history genius, English literature marvel, sciences of biology, chemistry, and physics prodigy, and is a four year undefeated English, Math, and Science quiz bee champion.

Oh my god! I can't stop saying all the good stuffs.

Pero alam kong nagtataka kayo kung bakit ko ba hinahangan ang isang Vincent Gonzales. Bukod kasi sa angkin niyang talino at kagwapuhan siya rin ang hero ko. Oo siya ang superhero ko. He saved my life three years ago and because of that I have an un-payable debt on him.

Nagulat ako ng bigla naman nitong pinitik ang noo ko.

"A-Ano ba?" kunwari ay inis kong sabi pero sa loob loob ko naman ay halos magsitalunan na ang mga bulate sa tiyan ko.

"Your face..." Bigla siyang napa-iwas ng tingin, "It's as red as a tomato. You might wanna go to the clinic and check if that's blood force trauma from earlier."

Sinasabi ba niyang namumula ang mukha ko? At talagang sinisi pa niya yong pagkaka-tama ng mukha ko sa dibdib niya ah! Bakit hindi niya kaya sisihin ang sarili niya kung bakit pulang-pula ako ngayon. Hmp.

Ngumiti ako at inilahad ang kanan kong kamay.

"Ako nga pala si Rancis Ong," pagpapakilala ko.

Mukhang nabigla naman siya sa ginawa kong pagpapakilala kaya napatingin muna siya saglit sa kamay kong nakalahad pero agad din naman siyang nakipag kamay.

"I-I already know who you are," mahina niyang sabi.

Tama ba yong narinig ko? Kilala na daw niya 'ko? Dapat na ba 'kong tumili? Ano ba nakakaloka naman e!

"T-Talaga? K-Kilala mo 'ko?" tanong ko.

Tumango naman ito, "Of course, who wouldn't know you? You are St. Therese's gymnastics fairy Rancis Ong. Isa ka kaya sa mga pinagmamalaking estudyante ng university natin."

Ah, akala ko naman ay nakilala niya 'ko dahil... argh! Ano ba kasi ang ine-expect mo Rancis? Natural lang na makilala ka nila bilang yong magaling na gymnast yun lang. Wala ng iba.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon