Lahat ng gawin natin sa kasalukuyan ay laging may mga consequences. Hindi laging wagi mga ning.
Umalingawngaw sa loob ng buong gymnastics gym ang malakas na boses ni coach Genevieve.
Natahimik naman ang mga kasama kong gymnast dahil sa takot.
Mukhang magigisa ako ngayon ha.
"Yah! Rancis Ong, bakit nadagdagan ng 2 pounds ang timbang mo?! Next two weeks na ang regional competition ngayon ka pa nagpapabaya?! Alam mo naman na kailangan nating mga rhythmic gymnast ma-maintain ang manipis nating pangangatawan para madali nating ma pagalaw ang mga apparatus sa katawan natin 'di ba?!"
Tumango lang ako bilang tugon.
Siguro lahat ng kinain ko nitong mga nakaraang araw ay naka-apekto na talaga sa timbang ko.
Okay, simula ngayon magdi-diet na ako.
Hinawakan ako sa dalawang kamay ni coach, "Rancis, ikaw ang ace player ng rhythmic gymnast team. Nasa sayo ang mga mata, at expectations. Hindi ka pwedeng mag pabaya sa katawan mo."
"S-Sorry coach..." ang na sabi ko nalang.
"Kayong lahat magsibalikan na kayo sa kanya-kanyang training."
Naglakad na 'ko pabalik dun sa pwesto ko ng bigla akong hablutin ni coach sa braso.
"At saan ka pupunta?" ang laki ng mga mata niya! Kakatakot I swear.
"Uhm... babalik na po sa training?" sabi ko.
"Iba ang gagawin mo ngayon," kuda niya.
"Ano naman po yon coach?" tanong ko.
Diyos ko po! Walang awa si coach Genevieve sa isang baklang kagaya ko! Napaka-lupit napaka walang puso.
Nandito ako ngayon mag-isa sa malawak na oval ng St. Therese at nagjo-jogging. Tama! Pinag-e-exercise ako ng coach ko. Tunawin ko daw lahat ng taba ko kakatakbo.
Kanina pa 'ko takbo ng takbo dito mga ning! Isang oras na yata. Ang sabi ni coach wag daw akong titigil dahil pag-balik ko daw sa gym dapat wala na yung tinaba ko.
Kasalanan mo 'to Neil! Ikaw ang dahilan kung bakit ako tumaba at ngayo'y kailangang magpaka pagod dito. Pashnea ka talagang lalaki ka!
Hay! Pagod na pagod na talaga ako. Hindi ko na kaya!
Umupo muna 'ko sa may madamong gilid ng oval at saka dito humiga. Hay! Precious pahinga.
Ninanamnam ko pa ang aking pahinga ng biglang may tumapat na bote ng tubig sa ibabaw ng aking mukha.
Saktong-sakto naman ang padala ni mayor! Uhaw na uhaw na ko.
Kukunin ko na sana yung bote ng bigla namang inilayo nung nag lagay yung bote dahilan para mapa-balikwas at upo ako sa inis.
Leche.
Kaya naman pala. Ito na namang halimaw na 'to.
Nakatayo si Zac sa aking harapan at naka-suot ito ng...
BINABASA MO ANG
Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)
Humor[BoyxBoy] Mamili sa pitong nag-ga-gwapuhang lalaking nababaliw sa ganda ng isang baklang kagaya ko? Game! Rancis Ong is an androgynous effeminate gay gymnast that will meet the most despicable guys ever. Zac Alec Kristofferson is currently the unive...