Luigi Luna and Patricia Co
Ponggay's POV
"Wow. Ang tiyaga naman nung lalaki na nagpapadala ng roses kay Ms. Patricia! 3 months na siyang nagpapadala ha. Pero bakit kaya hindi siya pumupunta dito? Malay mo siya lang yung inaantay ni Ms. Patricia para magising siya sa pagkakacoma niya diba?" Ang tanong ng nurse sa kapwa niya nurse na nilalagay ang mga roses sa flower vase.
"Malay mo hindi pa handa yung lalaki na nagpapadala kay Ms. Patricia na makita siyang ganyan." Sagot nang kapwa niya nurse.
Well, tama kayong dalawa. Hindi pa talaga handa si Luigi na makita si Pat sa ganitong sitwasyon. It's been three months nung na coma siya. How time flies so fast... Parang kahapon lang yun. Pero Pat, kailan ka kaya magigising?
Oh. Someone knocked on the door. So I stood up and checked it at nagulat ako kung sino yun.
"Luigi?!" Gulat na tanong ko.
"Uhm hello." Bati niya.
"You sure that ready kana na makita siya?" Tanong ko.
"Pongs, 3 months akong nag ipon ng lakas ng loob na magpunta dito at bisitahin siya. Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob?" Sagot niya.
"Okay okay. Sige na pumunta kana sa kanya at lalabas lang ako. Malapit na daw sila Deanna eh." Paalam ko at tumango lang siya.
Finally Luigi, finally.
Luigi's POV
There she was. Ang ganda pa rin niya kahit tulog. I decided to put the roses on the table beside her and tsaka ako umupo sa upuan sa tabi niya.
"Patricia, it's been three months that you were sleeping there. Can you please wake up na? I miss you so much and ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magpunta dito to visit you." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
"Miss na miss na kita. Miss ko na yung tawa mo, yung ngiti mo, and your sweet voice. I miss everything about you. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw ha? Ngayon lang kasi ako nagkalakas loob na puntahan ka dito. Because I hate seeing you in this situation. Siguro sa nagdaang three months, hindi ako handang makita ka sa lagay na ganito. But at least, andito na ako ngayon. Nga pala, alam mo ba araw araw kitang pinapadalan ng favorite mong roses. Ngayon nga may dala pa rin ako eh. Naalala mo dati? Lagi kitang binibilhan ng roses sa park dahil gustong gusto mo yung amoy nitong mabango. Sana maulit yung old times na yun at mauulit lang yun pag gumising kana." Sabi ko sa kanya.
"Patricia gumising kana please. I wanna see you smile and hear your voice again. And para masabi ko na ring mahal na mahal na mahal na mahal na mahal as in maraming mahal na mahal kita. I love you so much Pat." Sabi ko sabay kiss sa forehead niya habang hawak hawak pa rin ang kamay niya.
"LUIGI!!!!!!" Sigaw nila Deanna, Kaye, Ria, Fel, Basti at Ron pagkapasok ng pinto kasama si Ponggay.
"Sup Bro! Buti nagpunta kana dito!" Masayang bati ni Basti.
"Oy ha infair ang babango nung roses na pinapadala mo dito everyday!" Sabi naman ni Fel.
"HOY! KAMUSTA NAMAN ANG KAMAY LUIGI LUNA!" Sigaw ni Kaye, Deanna, Ria at Ponggay.
"Ingay niyo guys!"
Wait is that Pat's voice?!
Sabay sabay kaming napalingon sa kanya.
"Oh anong nangyari sa inyo? Wala man lang hug? Di niyo ba ko namiss?" Tanong niya with wide arms open with her smeetest smile.
Finally I saw her smile and heard her sweet voice again.
Dali dali naman silang nagpunta kay Pat at hinug siya.
"Oh ikaw Luigi Luna di mo ba ko namiss?" Tanong niya nang makabitaw sila Ponggay sa hug.
"Hindi. Kasi miss na miss na miss kita." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Corny mo! Nga pala salamat sa roses ha. Na appreciate ko yun kahit tulog ako!" Sabi niya sabay yakap pabalik sa akin.
"Nga pala, I love you too. And yes narinig ko lahat ng sinabi mo." Bulong niya sakin.
What?!
"As in lahat?! So tayo na?" Tanong ko.
"Oo lahat lahat. Che anong tayo na! Manligaw ka muna!" Sabi niya sabay palo sa braso ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------
Kaway kaway sa mga shippers ni Luigi at Pat (LuCo)! Walang bibitaw sa barko ha? Kapit lang!
By the way, do you have any suggestions kung sinong Ateneo couple/ship ang next na one shot? Comment your suggestions! Thank you 💙✨
![](https://img.wattpad.com/cover/63279401-288-k614462.jpg)