Jhoana Maraguinot and Ysay Marasigan
Jhoana's POV
Unti unting pumapatak ang aking mga luha... Ay ulan pala. Hala paano na ito?! Wala akong payong.
Bahala na nga.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papuntang BEG, pero bakit hindi man lang ako nababasa? Ang lakas lakas na ng patak ng ulan ngunit hindi pa rin ako nababasa. Ano 'to, may magic?!
Naisipan kong tumingala pero nagulat ako ng may payong pala. Aba, saan naman nanggaling 'to?
Dahan dahan naman akong lumingon sa likod at....
"Ay kabayo!" Sabi ko. Aba nagulat ako dito ha!
"Mukha ba akong kabayo, Louisse?" Tanong niya.
Tugdug. Tugdug.
Ayan ka na naman, Jhoana. Ang lakas na naman ng tibok ng puso mo.
"Oo. Bakit Ysrael, may reklamo ka?" Tanong ko. Sumimangot naman siya at natawa ako.
"Nga pala, kanina ka pa andiyan tapos hindi ka man lang nagsasalita! Gusto mo bang magkaheart attack ako diyan sa ginagawa mo?!" Dagdag ko pa.
"Ano namang sasabihin ko, Louisse? Hi? Hello?"
"Pwede rin. Pero thank you, kung hindi dahil sa iyo malamang mukha na akong basang sisiw pagdating ng BEG."
Tumango lamang siya at hindi na nagsalita.
Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa harap ng BEG.
"Oh paano? Mauna kanang pumasok, Louisse."
"Sige. Basta kapag kinamusta ko na sila, pasok kana ha. Salamat ulit, Ysrael."
Pumasok na ako ng BEG at binati sila.
"Hi guys! Kamusta kayo?" Tanong ko at nakita ko naman si Ate Den at Ate Ella na nakataas ang isang kilay at nakapamewang.
"Okay lang naman pero araw araw ka na lang bang ganyan, Jho? Lagi na lang bang deja vu na mauuna kang papasok tapos in 3,2,1, papasok na si Ysay?" Sabi ni Ate Den at sakto namang pumasok siya.
"Oh tingnan mo! May tinatago kaba samin?" Tanong ni Ate Ella.
"H-ha? W-wala po!" Nauutak kong sagot.
Nako Jhoana Louisse, umayos ka nga! Lalo kang mahuhuli niyan eh.
"Weh?" Sabi naman ni Ate Den.
Nakakaloka. Pinagtutulungan ako ng mga ate ko.
"Beshies, tigilan niyo na si Jho! Tara, training na tayo." Aya naman ni Ate Ly at tumango naman si Ate Den at Ate Ella.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Hoo! Salamat, Ate Ly.
"Pero Jho, tandaan mo na hindi lahat ng sikreto natatago habang buhay. Mabubunyag at mabubunyag rin yan." Dagdag pa niya.
Alam kaya nila?
Lagot kana, Jho.
.
"Ysrael."
Nagulat ang AMVT ng bigla kong tawagin si Ysay.
"Anong meron? Close pala kayo Jhowjhow?" Tanong ni Rex na mukhang naguguluhan.
"Oh, bakit Louisse?" Nagtatakang tanong nito.
"We need to talk." Seryosong sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng Blue Eagle Gym.
Nang makalabas na kami ay naupo kami sa isang bench.
"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong niya.
"Tungkol sa atin."
"Sa atin? Oh diba matagal ng walang tayo, Louisse? Ano pang gusto mong pag-usapan?"
"Naghihinala na sila Ate Ly. Nakakahalata na sila. Siguro panahon na rin para malaman nila."
"And how are we going to say it? It will just make things worst, Louisse. Gugulo lang ang lahat."
"Hindi Ysrael. It won't. Aaminin lang natin para malaman nila since they don't even have an idea on what happened to us. They don't know about us."
"But Louisse, I swear gugulo lang ang lahat. Paano kapag nalaman ito ni Marci o kaya ni Julienne? Ano ng gagawin natin?"
"There's no big deal, Ysrael. Diba we had a proper closure naman? Ano bang bumabagabag diyan sa isipan mo at ayaw mong aminin natin sa kanila? Paano kapag malaman nila? Edi malaman. Gaya nga ng sabi ni Ate Ly, hindi natin matatago ng habang buhay ang sikreto. Kahit anong gawin natin, mabubunyag at mabubunyag pa rin ito. Kaya tara na, aminin na natin."
"Hindi pa ako handa, Louisse. Hindi pa ako handang pakawalan ka."
"Hindi ka handa? Bakit mo ko pinakawalan noon, Ysrael? Kahit na hindi ka handa, kailangan mo. Dahil gaya nga ng sinabi mo, gugulo at gugulo lang ang mga bagay. Kaya bahala na, aminin na natin ito. Wala ng atrasan."
"Natakot ako, Louisse. Naunahan ako ng takot. Yun yung mga panahong gulong gulo ako. Pero mahal pa rin kita."
"Paano na yung girlfriend mo?! Aba Ysrael! Ano, all this time niloloko mo lang siya?!"
"Hindi, Louisse. Napapasaya niya ako, oo mahal ko na siya. Pero andito ka pa rin eh." Sabi niya sabay turo sa puso niya.
"Ako rin naman, Ysrael. You will always have a special place here in my heart, but I'm already happy now with Marci and you are happy with Julienne too. So, come on because we better fix this mess that we made."
"At kung tayo talaga ang para sa isa't isa, hayaan na lang nating pagtagpuin tayo ng tadhana." Dagdag ko pa.
~
![](https://img.wattpad.com/cover/63279401-288-k614462.jpg)