Jealous

3.2K 34 0
                                    

Luigi Luna and Patricia Co

Deanna Wong and Ron Medalla

Patricia's POV

"Oh anyare sayo? Bakit ka nakabusangot diyan?" Tanong ni Ponggay sa akin.

"Eh kasi naman yang Luna na yan!" Sagot ko.

"Oh anong ginawa ni Luigi sayo? Sinaktan kaba o ang iyong damdamin? Nasaan siya? Samahan mo ko sa kanya tara sugudin natin!!!" Aya ni Ponggay.

"Huwag mo nang sugudin. Hindi naman niya sinaktan yung feelings ko. It's just ughhh!" Sabi ko na lang. Naasar talaga ako sa lalaking yun.

"Oh hindi naman pala eh. Pero bakit parang asar na asar ka sa kanya?" Takang tanong ni Ponggay.

"Nakakaasar siya! Paano ba naman inaya ko mag lunch, tumanggi. Tapos nung si Deanna na nag aya, pumayag siya. Ang katwiran sa akin kaya hindi siya pumayag may gagawin daw siya. Eh bakit kay Deanna pumayag siya? Tsk. Baka wala naman talaga siyang gagawin, ayaw niya lang ako kasama o kaya may gagawin talaga siya, kaso gusto niya lang talaga kasama si Deanna. Ughhhh!" Sagot ko. Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Hay nako anong nangyayari sayo, Pat Co! Bakit ka nagkakaganto nang dahil kay Luigi Luna? Ughhh!!!

"Pat chill. You act like a jealous girlfriend.... Baka naman gagawa sila ng project ni Deanna? O may pag uusapan silang importante." Sabi ni Ponggay.

"Importante? Hindi ba pwedeng pag usapan na lang nila iyon sa ibang araw? Ganoon ba iyon ka importante at hindi na pwede sa ibang araw? Ughhh basta nakakainis talaga siya! Hindi kami bati!" Sabi ko na lang.

"Hay nako Patricia, para kang nagseselos na bata." Sabi ni Ponggay sa akin na tatawa tawa pa. Do I really look jealous? Ugh no naasar lang talaga ako!

.

Ron's POV

"Pre, lumabas na naman daw si Luigi at Deanna sabi ni Ponggay. Si Pat nga daw, asar na asar na naman. Haha!" Pagkwekwento ni Basti.

"Mukhang napapadalas ata yung paglabas labas ni Deanna at Luigi ha. Ano yon nagdadate? Nako yari ka na Ron! Huwag kasing babagal bagal, baka maunahan ka sige ka!" Sabi ni Kuya Rex.

"Hindi yon date Kuya. Malay mo naman may mga projects lang sila diba." Pangongontra ko.

"Nako, nagpaalam sakin si Luigi kanina. May 'date' daw este may lakad daw sila ni Deanna. Nagmamadali pa nga eh. At masayang masaya pa ang loko!" Nakangising sabi ni Kuya Ysay.

"Bakit mo naman pinayagan Captain? Aba abuso na sila ah! Araw araw na silang lumalabas. Tsk." Tanong ko.

Bigla naman silang napatingin sa akin.

"Ron, magbigay ka nga ng tatlong dahilan para hindi ko sila payagan." Utos ni Kuya Ysay habang nakangisi.

"Una, araw araw na silang lumalabas. Hindi pa ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa?" Sabi ko.

"Pangalawa?" Tanong ni Kuya Ysay.

"Uhm.... Uh.... Ehh.... Basta dapat hindi mo sila payagan!" Sabi ko na lang. Wala na akong maisagot eh.

"Sinong hindi dapat payagan?" Tanong ni Luigi.

"Oh Ron, sino daw. Sagutin mo!" Utos ni Kuya Miguel.

"Ah... Eh..." Sabi ko. Hala paano to.

"Sino Ron?" Tanong niya ulit. Gustuhin ko mang magsalita eh walang lumalabas na salita sa aking bibig.

"Sabi ni Ron, hindi ka daw dapat payagan ni Captain. Abuso kana daw, lagi na lang kayong lumalabas ni Deanna." Panlalaglag ni Basti.

"Nako Luigi! Nagseselos lang yang si Ron!" Dagdag ni Kuya Rex.

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon