Dinner With The Ravenas

2.3K 64 10
                                    





Bea de Leon and Thirdy Ravena



"Bei sige na please pumayag kana..." Pamimilit niya sa akin.



"Ayoko." Sagot ko. Hinding hindi ko siya tutulungan!



"Kapag wala pa akong hinarap na girlfriend sa pamilya ko, malamang i-seset up na naman ako ni Mom sa mga blind dates! Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa ganun. Hindi dapat minamadali ang paghahanap sa the one diba?" Inis na litanya niya. Hindi ko alam kung bakit ang corny corny neto pagdating sa love.



"Napaka-corny mo talaga! Ano na namang pake ko kung ayaw mo sa mga blind dates? May magagawa ba ko eh yun nga yung gusto ng Mom mo para sayo? Anong gusto mo, pumunta ko sa bahay niyo para sabihin sa Mom mo na tigilan na niya yun?" Sunod-sunod kong tanong. Bigla namang lumiwanag ang mukha niya.



"Exactly, Beatriz. Kaya nga ipapakilala kitang girlfriend ko para tumigil na si Mom diba? You're not going to stop her by saying na tumigil na siya, kusa 'yong titigil kapag nalaman na niyang may girlfriend na rin sa wakas ang gwapo niyang anak! And besides, I'm definitely sure that they will like you. Ang pleasing kaya ng personality mo! Bonus pa yung pagiging maganda mo." Feeling ko umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha dahil nagsisimula na ata akong magblush dahill sa mga binitawang salita ni Thirdy Ravena.



But of course, hindi naman pwedeng basta basta na lang akong magwala dito. Kaya I tried my best to calm myself so I could reply to him as if I'm taking what he said as a joke.



"Tama na pangbobola! Oo na oo na, payag na ko. Pero kapalit nito, libre ha?" Sagot ko at nagulat naman ako ng bigla niya kong yakapin.



"YES! THANK YOU BEATRIZ!!" SIgaw niya habang yakap pa rin ako. Heto na naman ang mga paruparo ko sa tiyan na nagwawala, idagdag mo pa ang puso kong sasabog na ata sa sobrang lakas ng pagtibok.



"A-aray ko Thirds, awat na. N-nasasakal na ko." Palusot ko na lang para tigilan na ko neto. Hindi ko na yata kakayanin kapag di ko pa 'to pinigilan. Agad naman siyang napabitaw.



"Sorry." Sabi niya at tumango na lang ako bilang senyales na okay lang. "Nga pala, mamaya ah? I'll pick you up at 6pm. Wear anything that you are comfortable wqith. Okay lang kahit hindi ka mag-dress, basta kung saan ka kumportbale yun na lang." Dagdag niya pa. Ay teka?!



"Bakit hindi mo naman sinabi na ngayon mo na pala ko ipapakilala sa pamilya mo. Aba, teka di ako prepared! At tsaka hello? Mag-dredress po ako kasi po nakakahiya naman kung hindi presentable yung itsura ko sa pagharap ko po sa pamilya mo po ano po?" Sabi ko. Napailing at natawa naman siya.

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon