Valentine's Day

3.5K 54 6
                                        

Pauline (Ponggay) Gaston and Basti Cuerva

Patricia's POV

"Tutubusin niyo ba ko pag na jail booth ako?" Tanong ko sa kanila.

"Pat, nakikinig kaba? Ang sabi ni Ate Aly at Kuya Ysay, ang pwede lang daw tumubos sayo eh yung crush mo o nagkakacrush sayo." Paliwanag ni Ponggay.

"Pero kahit ako na lang magpakulong sa sarili ko... Matubos lang niya ko! Tapos oh my gosh kasama ko siya buong araw and magdadate kami!!!" Dagdag pa niya.

"As if namang tutubusin ka niya." Asar ni Deanna.

"Edi magmamakaawa ako!" Sabi ni Ponggay.

"As if namang gagana sa kanya yan!" Pangongontra ni Deanna. Nako si Deanna talaga, laging trip si Ponggay.

"Che nga, Deanna Wong! Pag ako tinubos niya, who you ka sakin!" Sabi ni Ponggay. Natigil naman sila sa pag aaway ng biglang magsalita si Ate Ly na nakamic.

"Oh, lahat ng nakablack na t-shirt diyan, magtago na kayo kung ayaw niyong mahuli! Joke! Bawal magpalit ha!" Sabi ni Ate Ly. Nagkatinginan naman kami nila Ponggay, Deanna, Kaye, at Fel.

"BWAHAHAHAHAHA ANG BILIS TALAGA NG KARMA DEANNA WONG! OH ETO PO OH NAKABLACK PAKIHULI NA BWAHAHAHAHA!" Turo ni Ponggay kay Deanna. Tatakbo na dapat si Deanna pero nasa likod niya na pala ang marshals. (Which is the seniors)

"Huwag kang mag alala Deanna! Tutubusin ka naman ni Ron!" Asar ni Ate Mae.

"NO WAY! KAHIT SINO NA LANG PLEASE WAG LANG YUNG LALAKING YUN!" Reklamo ni Deanna habang ipinapasok sa jail both. Si Ponggay naman ay tawa lang tawa at nakuha pang bumelat kay Deanna na ngayon ay nakakulong na.

"Oh, lahat ng nakaroshe na blue, pwede na kayong pumasok sa kulungan!" Pag aannounce naman ni Kuya Ysay.

Bigla namang nagsitakbuhan ang mga babae sa may jail booth.

"Ate, ano pong nangyayari?" Tanong ni Kaye sa isang babae na tumitili tili pa.

"SI BASTI CUERVA NAHULI DAW AT DADALHIN DITO SA JAIL BOOTH! NAKO TUTUBUSIN KO NA SI BABY BOY!!!" Sabi nung babae na halatang kinikilig pa.

"Oh Ponggay, narinig mo yun? Go na!" Sabi ni Fel pero paglingon namin kay Ponggay ay wala na ito. Nagulat kami ng makita namin siya kay Ate Ly na halatang nagmamakaawa.

Hay nako, Ponggay talaga.

Ponggay's POV

"Ate Ly, sige na please? Kahit mag 50 rounds ako bukas please ako na lang tutubos kay Basti huhu." Pagmamakaawa ko sa kanya sabay paluhod effect pa. Nako! Minsan lang tayo mabigyan ng opportunity kaya kung ako sa inyo, igragrab ko agad!

"Sure ka sa 50 rounds ha?" Tanong niya habang nakangisi.

"Uhm... Sige na nga sure na, para sa kanya." Sagot ko na lang. Eto lang yung naiisip kong paraan eh.

"Oh girls, bumalik na kayo sa mga pinanggalingan niyo! May nakatubos na kay Basti hehe." Sabi ni Ate Ly.

OH EHM GEE.

I'M GOING TO SPEND THE WHOLE DAY WITH BASTI OMG OMG OMG HUHU.

"Pauline!" Napapitlag naman ako ng biglang may tumawag sakin.

Am I dreaming?

Can someone slap me right now?

"Oh?" Tanong ko.

Act normal Ponggay, act normal.

"Thank you nga pala ha! You saved my life from those girls. Nako, kung hindi ka nauna sa kanila, malamang kasama ko yung isa sa kanila ng buong araw. Buti na lang nauna ka, so tara! Kain tayo, I'll treat you." Sabi niya.

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon