Liham

1.9K 17 7
                                    


(Guys, imagine na lang na highschool pa sila neto hehe)

Deanna Wong and Ron Medalla

Hindi ko alam kung bakit tinatamad talaga ako ngayong araw. Wala ako sa wisyo at sabog na sabog ako. Kahit nga ngayon sa favorite kong subject na Filipino, tinatamad pa rin ako. Kaya pinili ko na lang na manahimik at idukdok ang sarili ko sa aking desk.

"At dahil ang topic natin ngayong araw ay tungkol sa liham, gusto kong magsulat kayo ng isang liham para sa isa't isa. Oo, para sa inyong magkaklase." Napuno ng tuwa ang mukha ng aking mga kaklase. Siguro eto na ang time ng mga torpe dito sa room to shine.

Nagising naman ang diwa ko sa sinabi ni Mrs. Cruz. Siguro ito na ang tamang panahon para ilabas ko lahat ng nararamdaman ko. Kumuha ako ng papel at ballpen sa aking bag at nagsimula ng magsulat,


Para sayo, (oo para sayo 'to wag kang ano)

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at tatapusin itong liham na 'to pero gusto ko lang sanang malaman mo na nahulog na ko. Hindi sa sahig o sa hagdan dahil sayo ako nahulog. Hindi ko rin alam kung paano eh. Nahulog yata ako sa mga titig mo. Lagi kitang nahuhuling nakatitig sa akin, tapos pag nalaman mong nahuli na kita, iiwas mo ang iyong tingin. Nahulog din yata ako sa mga galawan mo. Kaso, pakiramdam ko eh umaasa lang ako sa wala. Napakahirap kasing basahin ng gustong iparating ng radar mo, napaka-bipolar. Minsan may pake ka sakin pero madalas ay wala. Kaya ayun, lagi kitang tinutulak palayo dahil ayokong mahulog sayo ng tuluyan. Bakit? Kasi natatakot ako. Natatakot akong masaktan, natatakot akong hindi mo ako saluhin, at natatakot akong malaman na umaasa ako sa wala. Hindi naman kita matatawag na paasa dahil una sa lahat, ako lang yung nagbigay ng malisya. Baka wala naman talaga. Kaya lang, bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko meron. Kaya lang nung tinulak kita palayo, hindi kana bumalik. Para na lamang akong isang bula para sayo. Sa tuwing titingin ako sayo ay tulala kana lang. Kung dati ay inis na inis na ako sa mga galawan mo, ngayon ay hinahanap-hanap ko na. Wala na eh, nasanay na ako. Umasa na ako at higit sa lahat, nahulog na ako.

  Gustuhin ko man magalit sayo ay hindi ko magawa, dahil una sa lahat ay ako rin ang may kasalanan. Bakit nga naman kasi ako umasa sa wala? Alam kong alam mo na at nahahalata mo ng nahulog ako sayo, kaso binabalewala mo lang. Gusto kitang kausapin ngunit sa tuwing magkakaroon ako ng lakas ng loob ay umiiws ka naman. Kung dati, ako yung tumtulak sayo palayo, ngayon ikaw na ang tumutulak sakin. Kaya lang, napag-isip isip ko rin na, baka naman wala lang talaga sayo 'to. Siguro natural lang yung mga 'galawan' mo. Baka ganoon ka rin sa lahat ng nakakasalamuha mo at eto lang akong si tanga na umasa. Kaya lang ang pinakamasakit sa lahat ay yung makita kang masaya sa piling ng iba, sa piling niya. Magpapaka-assumera na ako. Paano kaya kung hindi kita itinaboy noon? Ako siguro ang dahilan ng mga masasayang ngiti mo ngayon.

   Sadyang totoo nga ang kasabihang, "never ignore a person who loves you, cares for you, and misses you because one day you might wake up and realize, you lost the moon while counting the stars."

  O siya, hanggang dito na lang. Hindi ko na kayang ituloy 'to kasi sobrang sakit na.

Umasa sa wala na parang meron,
Deanna

.

"Class, tapos na ba kayong magsulat?" Tanong ni Mrs. Cruz at tumango naman ang lahat. "Okay so ganito, lalagyan natin ng twist. Imbis na ipasa niyo sakin yang mga gawa niyo, gusto kong ibigay niyo yan doon sa taong sinulatan niyo, ng magkaalaman na." Sasabat pa dapat ang aming mga kaklase ng pinutol ito ni Mrs. Cruz. "Hep! Ang hindi magbigay niyan, mawawalan ng proyekto sa Filipino. Oo, yan ang magsisilbing proyekto niyo kaya kung ayaw niyong bumaba ang grades niyo, ibigay niyo na yan sa mga kaklase niyo."

Isa-isa ng nagtayuan ang aking mga kaklase pero nagdadalawang isip pa rin ako kung ibibigay ko ba 'to sa kanya o hindi. Maraming pwedeng mangyari kapag binigay ko ito, at natatakot ako na lalo niya akong iwasan. Maraming pwedeng mawala ng dahil sa isang liham lamang.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob upang tawagin ang kanyang pangalan.

"Ron."

Bahala na, I'm taking the risks. Ito na rin siguro ang panahon para aminin sa kanya lahat ng mararamdaman ko.

"Bakit?"

Bigla naman akong kinabahan. Damang dama ko ang tibok ng aking puso at umuurong ang dila ko. Gusto kong magsalita. Ang dami kong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Huy, tulala ka diyan. Bakit nga?"

"A-ano k-kasi eh..." Pusang gala naman Deanna, bakit ka nauutal?

"Ano?"

"U-uhh, uhm.. para sayo." Sabi ko na lang at binigay na sa kanya ang liham. Kinuha naman niya ito at pagkakuhang-pagkakuha niya, sinimulan na niya itong basahin. Kasabay naman ng pagbasa niya ay ang aking pagtakbo. Hindi ko kayang makita ang reaksyon niya habang binabasa ang liham na 'yon kaya minabuti ko na lamang na umalis at tumakbo. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na lang ako lumingon at tuluyan ng umalis.

Dinala ako ng mga paa ko sa upuan sa may ilalim ng puno. Bigla ko namang naalala na ito ang paborito naming tambayan, noon. At heto na naman ang mga luha kong mahilig na mang traydor, na patuloy na umaagos sa aking mga mukha.

"Dean..."

Napatingin naman ako sa kanya. May inabot siyang isang pirasong papel sa akin at nagtataka ko naman itong kinuha.

"A-no 'to?" Tanong ko kahit medyo garagal na ang boses ko.

"Liham ko para sayo."

Nakaramdam naman ako ng mga paruparo sa aking tiyan. Teka lang Deanna, huwag ka munang umasa.

Deanna,

        Uhm, hi! Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan 'tong liham na ito. Basta kinuha ko na lang ang aking ballpen at nagsimula ng magsulat. Sorry, kasi umiwas ako. Sorry, kung sa tingin mo ay pinaasa lang pero hindi naman talaga. Na-totorpe kasi ako. Sa tuwing nakikita kita, bigla bigla na lang umuurong ang dila ko. Matagal na kitang gusto pero hindi ko lang maamin kasi natatakot ako. Natatakot ako na iwasan mo ako at sa isang iglap, ay masira ang pagkakaibigan natin. Kaya heto at dinaan ko na lamang sa liham. May tanong ako at sana ay sagutin mo 'to sa akin ng tapat at harap-harapan.

     Ang pinakatorpeng lalaking kilala mo, 
Ron

Tiningnan ko pa ang likod nung papel at hinanap yung tanong pero blanko lang ito.

"Ano nga pala yung tanong mo?"

"P-pwede mo ba kong bigyan ng chance para patunayan ko sayong mahal talaga kita?"

"Oo naman." Nakangiti kong sagot.


~

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon