Ann Basa and Basti Cuerva
(This one shot is dedicated to _fangarl and to all the SebRie shippers out there! 💞)
"Annmarie Imperial Basa, tulala ka na naman!" Napakahinhing sigaw ni Jules. Ay, sigaw pa ba yun? At tsaka ano daw, ako tulala?
"Ako?" Nagtataka kong tanong. Napabuntong hininga naman siya.
"Ann, ilang araw ka ng ganyan! Ano ba talagang nangyayari sayo?" Dismayadong tanong niya. Ano nga ba ang nangyayari sakin? "Ilang araw ka ng wala sa sarili! Yung totoo, gusto mo na bang ipasok ka na namin sa mental?" Dagdag pa niya.
"Ganun na ba ko kabaliw kay Basti at kailangan niyo na kong ipasok sa mental?" Biglang sabi ng madaldal kong bibig.
Loading...
Loading...
AY TEKA ANO YUNG NASABI KO?!
Bigla namang napatingin si Syd at Maxine sa akin.
"Woops." Nang-aasar na sabi ni Syd sabay pakita ng vid kung saan nagsnapchat sila.
"Oh ano gagawin ko diyan?" Tanong ko. I seriously don't know kung anong connect nun sa sinabi ko.
"Well, nung sinabi mo yun eh saktong nag-snap kami." Paliwanag ni Maxine. "Pakinggan mo." Sabi pa niya.
They played the video and OH MY GOSH.
"Ganun na ba ko kabaliw kay Basti at kailangan niyo na kong ipasok sa mental?"
"Ganun na ba ko kabaliw kay Basti at kailangan niyo na kong ipasok sa mental?"
"Ganun na ba ko kabaliw kay Basti at kailangan niyo na kong ipasok sa mental?"
"Guys, tama na please." Pakiusap ko dahil rinding-rindi na ko sa mga sinabi ko. Kanina pa nila pinapaulit-ulit yung video at hindi ko na alam kung anong gagawin ko kasi lagot ako sa mga 'to.
Pero umakto silang hindi nila ako naririnig kaya nagpatuloy lang sila sa pag-play. Pagkaraan ng ilang minuto ay tinigilan na rin nila ito.
Wooh, finally.
"Ano guys, post na ba natin 'to?" Tanong ni Syd na abot hanggang tenga ang ngiti.
"Hoy bata! Pag 'yan pinost mo, humanda ka sakin." Banta ko sa kanya pero dumila lang siya sakin.
"Snapchat, Instagram, Facebook, or Twitter?" Tanong niya. "Pero guys, mas maganda pag Twitter kasi kitang kita ng lahat." Dagdag pa niya sabay kindat.
"Ugh, bahala nga kayo diyan!" Sabi ko na lang at nilayasan sila.
"PIKON SI MATANDAAAAA!" Narinig ko pang sigaw ni Syd at nagtawanan sila.
~
Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa SB. Pero sige, bahala na. O-order na lang ako.
