(The photo is a screenshot from Ysay's Snapchat story! 👻)Ysay Marasigan and Jhoana Maraguinot
Ysay's POV
Mahirap pa lang mapag-isa. Lalo na kung ang nakapaligid sayo ay mga naghaharutang magjojowa.
"Uy Captain!" Tawag ng isang tinig.
"Hi po idol!" Bati ko sa kanya.
"Paupo naman aketch ditey!" Sabi niya at tumango lamang ako.
"Idol, di mo naman aketch sinabihan. Confirmed ka pa rin pala!" Sagot ko na siyang ikinatawa niya.
"Nako baks, sa tagal ba naman nating di nag-usap, malamang di ko na makwekwento sayo. Pero I'm still proud mareshkie! Ikaw ba?"
"Nako idol, hindi na aketch masyado eh. Lalaking lalaki na 'to!"
"Aba nagkajowa ka lang, tinalikuran muna ang pagiging bakla!"
Bigla ko na naman siyang naalala.
Sobrang sakit pa rin.
"Anyare baks?"
"W-wala..."
Pero namiss ko 'to.
Yung mga lokohan namin,
Tawanan,
Kwentuhan,
Hay.
Kung maibabalik lang sana ang nakaraan.
"Baks naman! Kung ice cream lang ako, malamang tunaw na tunaw na ako diyan sa mga titig mo!"
Putek.
Nakakahiya ka Ysay!
"P-pasensya na idol. May naalala lang ako."
"Ano, nagmuni muni ka pa diyan? Aba matindi!"
"Hahaha naalala ko lang yung dati idol. Yung mga panahong sobrang saya pa natin. Namiss ko 'to."
Bigla naman siyang napatigil sa pagkain at tumingin sakin.
"Drama mo naman!" Sabi niya sabay bato ng tissue.
"Ang kati."
"Mga beh, nilalanggam ata ako."
"Tapakan niyo nga yung mga langgam!"
"Uh-oh! These ants are everywhere!!"
Hay nako, di talaga maiiwasan ang pang-aasar nitong mga mag jojowang 'to na sina Therese, Rex, Jia, Miguel, Alyssa Kiefer, Jamie at Marquis.
Napailing na lamang kami ni Jho.
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may lumabas na mga salita sa aking bibig na hindi ko inaasahang masasabi ko.
"Idol, anong nangyari? Bakit ka bigla na lang umiwas?"
Nagulat naman siya.
"W-wala...."
"Idol, hindi ako naniniwala na wala lang yun. Alam ko na meron eh. Mayroong malalim na dahilan."
"Gusto mong malaman? Umiwas ako kasi nainlove ako sa manhid kong best friend! Kailangan kong pigilan yung nararamdaman ko dahil ayaw kong makasira ng relasyon. Ayaw kong masira yung relasyon niyo!" Sigaw niya na siyang ikinagulat ko at pati na rin ng mga taong nakapaligid sa amin.
"B-bakit hindi mo sinabi agad...."
"Bakit? Kasi natakot ako. At isa pa, masaya na kayo noong mga panahong yun! Kitang kita ko sa mga mata mo na mahal na mahal siya. Yung sobrang saya mo kapag kapiling siya! Kaya ako na lang yung lumayo at nagparaya."
At dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw niya ay naluha na siya.
"Kung sinabi mo lang sana ng mas maaga, Jhoana... Baka ikaw pa ang pinili ko."
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya.
"Pinapili niya ako, Jho. Pinapili niya kung siya ba o ikaw. Sabi niya na kung ikaw ang pipiliin ko, lalayo na siya. Pero dahil sobrang mahal ko siya ng mga panahong yon, siya ang pinili ko. Akala ko hindi ko kakayanin kung wala siya. Pero heto ako ngayon, nakakaya pa naman."
"H-ha?"
"Sabi niya, nawalan na daw siya ng gana na mahalin ako. Bigla na lang niya akong iniwan. Sobrang sakit...." Hindi ko na napigilan dahil napaiyak na ako.
Bigla naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Dapat kasi ako na lang pinili mo."
"Ikaw na nga ang pinipili ko ngayon eh."
Umiling iling lang siya at pagtakatapos ay hinalikan ako sa noo sabay sabi ng ilang salitang nakapagpaguho ng mundo ko.
"Pasensya na Ysay. May Marci na ako at masaya na ako sa piling niya."
~