(The photo was a screenshot from the video, Love Out Loud! 💕)
Therese Gaston and Rex Intal
"So hanggang dito na lang talaga tayo, Rex?"
"Siguro nga. Hayaan na lang nating pagbanggain tayo ni tadhana para magkita tayo ulit."
Therese
Apat na taon na ang nakalipas at masasabi kong, oo naka-move on na ko.
Matagal na.
Madali akong naka-move on dahil hindi ko dinamdam ang paghihiwalay namin.
Hindi ako katulad ng mga babaeng makikipagbreak sa jowa nila at magmumukmok o di kaya ay maglalasing ng maglalasing. At isa pa, kaming dalawa naman ang nagdesisyon na maghiwalay eh. Kaya dapat naming panindigan ang ginawa naming pasya.
Bakit kami naghiwalay? Hindi ko rin alam ang mismong dahilan eh. Parang naramdaman lang namin na yung relasyon namin ay hindi na katulad ng dati dahil nawala na yung sparks.
Masyado akong nagpursigi na magtrabaho kaya ngayon ay may café na kami nila Maddie at Bea.
"Tey, Bei, nagtext si Ate Den. Aracama daw mamaya kasama ang former AWVT at AMVT. Ano, tara?" Aya ni Maddie pagkapasok niya ng shop namin.
"Okay, game!" Masigla naming sagot ni Bea.
Siyempre, kailangan pa ring magparty party minsan. You have to enjoy life!
Pero makita ko kaya siya?
'Ano naman kung makita mo siya, Therese? Di ba nga naka-move on kana!'
Sabagay. Pero malabo namang makita ko siya kasi nasa ibang bansa nga pala siya.
Paano ko nalaman? Kay Vica. Close pa rin kami noong babaeng yun hanggang ngayon pero madalang na lang kami mag-usap dahil sobrang busy daw nila sa ibang bansa.
Pagkagraduate niya daw kasi ay nagpunta na silang mga Intal doon para ipagpatuloy ang business ng lolo at lola niya.
Nalaman ko rin sa kanya na matagumpay na siya.
Sobrang saya ko nang malaman ko yun dahil maganda ang naidulot ng paghihiwalay namin.
Mas masaya nga lang kung magkasama kaming magtatagumpay.
Kaya lang, ganyan talaga ang buhay.
"Huy, tulala ka diyan!"
.
Nang makapasok kami sa Aracama ay hinanap agad namin sila Ate Den. Nakipagbeso beso kami ng makita namin sila.
"Long time no see, Therese, Bea and Mads!" Sabi ni Ate Den sabay yakap sa amin.
"Oo nga Ate. Ganoon na ba tayo kabusy at ang huling pagkikita natin ay apat na taon na ang nakalipas?"
Maniwala man kayo o hindi, ngayon lang kami nagkita kita pagkaraan ng apat na taon. Kung magkakausap man kami ay through social media at text na lang. Lahat kami ay masyadong nagfocus sa trabaho, at ang iba ay sa sarili nilang pamilya.
"Grabe, it was so tagal na! Nako, dapat mas dumalas pa ang pagbobonding natin!" The usual conyo Ate Den said.
"I agree with Ate Den. Para naman hindi puro mukha ni Teresa at Madeleine ang nakikita ko araw araw! Nakakasawa na!" Tugon ni Bea at nakatanggap naman siya ng hampas mula sa amin ni Maddie.
![](https://img.wattpad.com/cover/63279401-288-k614462.jpg)