Hopia

1.7K 17 2
                                    



(7:42 pm, November 17,2016)

At dahil bagot na bagot na talaga ako ngayon, naisipan ko na lamang na mag-rant. Gusto ko sanang mag ud kaya lang sabaw naman ako.. kaya ito na lang.

Hopia

— Para sa isang typical at simpleng tao, kapag narinig o nabasa nila ang salitang hopia ay ang unang salitang papasok ka kaniyan isipan ay pagkain ito. Oo nga naman, isang uri ng pagkain ang hopia. Ngunit sa mundo na aking kinabibilangan ngayon, lumawak na ang kahulugan ng salitang 'hopia.' Kung dati ay pagkain lamang ang kahulugan nito, ngayon ay may iba pang ibigsabihin nito.

Ano nga ba ang ibigsabihin ng hopia para sayo?

Kung ako man ang tatanungin, para sa akin ang ibigsabihin nito ay ang aking mga barkong patuloy na kinakapitan. O mas kilala sa tawag na "Hopia Ships." Ang mga barkong patuloy na kinakapitan ng mga tao na maaaring may kaunting chansa o posibilidad na magkatotoo, o kadalasan ay wala.

Masakit mang isipin na puro hopia ang mga barko ko, wala rin akong magagawa dahil ginusto ko ring mapabilang sa mga umaasa sa mga ito. Hindi man team real, pero sa pagkakataon namang may ganap ay nagwawala ang mga kumakapit rito. Minsan lang magkaganap pero malakas ang epekto at kilig na kilig na agad ang mga 'shippers.' Kahit na sobrang tagal bago magka-ganap, ang lakas naman ng epekto nito. Ito ang pinakanagustuhan ko sa mga hopia ships.

Hindi man araw-araw o oras-oras ang mga ganap, sobrang worth the wait naman. At ultimo pa nga maliliit at simpleng bagay ay napapansin ng mga shippers na kagaya ko. Kaunti man o marami ang ganap, wagas pa rin ang kilig at epekto nito.

Pero minsan napapaisip rin ako.

Oo nga pala, hopia lamang ang mga barko ko. May posibilidad man na magkatotoo ito, hindi pa rin sigurado kung magkakatotoo nga ba. Kasi minsan ay sobrang labo na talaga. Ngunit eto pa rin ako, patuloy na umaasa at kumakapit sa mga barkong walang kasiguraduhan kung magkakatuluyan nga ba. Isa pa rin ako sa mga naniniwalang sila at sila pa rin ang mga magkakatuluyan sa huli. Kaya think positive lang! Balang araw ay lalayag rin ang mga barko nating hopia. 😉

PS. Kahapon ko pa ito tinype pero ngayon ko lang na-post.. Hehe hi readers na-miss ko kayo!! Kung may suggestion man kayong loveteams, paki-comment na lang hihi thank you ily all!! 💞

Another PS. Oo nga pala.. ako ay magpropromote. Dahil dinelete ko ang The Turty Ravena, pinalitan ko na lang ng Torpe Problems :)) Sana basahin niyo hehe pero okay lang naman kung hindi. Mahal ko pa rin kayo pak ganern!

Patuloy na umaasa,
Blue

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon