Best Friend

3K 41 5
                                    


Pauline (Ponggay) Gaston and Basti Cuerva

Therese's POV

"Ponggay! Umagang umaga may kaaway ka diyan sa phone mo! Sino ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Bumaba kana dito, kakain na!" Dagdag ko pa.

"A-ah wala Ate! Sige bababa na ko."

"Hoy loko! I'm going to end this call na. See you on school, humanda ka sa akin!" Rinig kong sabi niya.

Nang makababa na siya ay agad naman siyang umupo at kumain ng napakabilis.

"Excited lang makipag-away sa school? Dahan-dahan lang aba!"

"Kasi naman! Nakakairita talaga yung lalaking yon! Humanda siya sakin."

"Hay nako Pongs alam mo, ang weird niyo talagang mag-best friend. Mamaya away dito, mamaya bati, mamaya clingy sa isa't isa tapos mamaya para kayong nandidiri sa isa't isa."

.

Ponggay's POV

Ganyan lang Pongs, mainis ka lang sa kanya.

Pigilan mo lang yang nararamdaman mo.

Maigi yan, ipagpatuloy.

"Hoy!"

"Ay gwapo!"

"So inamin mo ng gwapo ako?" Tanong niya sabay smirk.

Tumayo naman ako at kumapit sa puno na malapit sa akin.

"Wooh! Ang hangin grabe."

"Grabe ka naman sakin."

"Wow! Ikaw pa talaga nagsabi niyan! Sino kayang mas grabe sa atin ano?"

"There was never an us, Ponggay. There will never be an us."

Aray ko naman. Well that hitted me really hard. Sabi sayo Pongs, pigilan mo na yan.

Nagulat ako ng bigla naman siyang tumawa.

"Anong nakakatawa Cuerva?!"

"Yung itsura mo kasi, Gaston. Nako, if you can only see your facial expression. HAHAHAHAHAHAHA!"

Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to.

Bakit nga ulit ako nainlove dito?!

At bakit ko nga ulit 'to naging best friend?!

Ugh!

Nagpatuloy lang siyang mang inis nang biglang may lumapit sa aming babae.

"Uy Bas!"

Bas? Ano kala niya kay Cuerva, sasakyan?

'Ponggay, bus yun. Hay nako, nabibitter ka lang.' Sabi ng konsensya ko. Heh!

"Uy Tin!"

Ano 'to puro 'uy' na lang sila?

"Bas, tara lunch tayo! I'll treat you. And uhm kung gusto ng kasama mo, sumama siya." Nag-aalangan niyang sabi.

Sus! Di pa dineretsang ayaw niya ko kasama.

"Sure! By the way, Tin meet Ponggay, best friend ko. Ponggay meet Tin, friend ko."

Friend lang ba talaga?

"Soon-to-be-girlfriend. Nice to meet you Bestie Pongs!"

Ngitian ko na lang siya ng pilit na ngiti.

AH WOW CLOSE TAYO?

SOON-TO-BE-GIRLFRIEND MO MUKHA MO!

Back off, girl. He's mine.

"Ponggie!" Tawag sakin ni Basti na nakapagpabalik sakin sa realidad.

"Oh?"

"Tinatanong ka ni Tin kung gusto mo daw sumama."

"Ah hindi na, sige mag enjoy nalang kayo." Cold kong sabi sabay takbo papalayo.

Hayaan mo sila diyan.

.

"Pongs, what's with the face? Para ka namang binagsakan ng langit at lupa!" Sabi ni Deanna na kakagaling lang sa shower room.

"Wala." Sagot ko na lang.

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nawala sa mood.

Nakita ko namang nagpunta si Deanna kila Ron at Basti at nakipag-usap siya.

Nakita ko na naman si Basti.

Naalala ko na naman yung kanina.

Argh!

Nilibang ko na lang ang sarili ko at inayos ang gamit ko.

Nagulat na lang ako ng may nag-backhug sakin.

"Babe, sorry na."

Sinubukan ko namang bumitaw pero ang higpit ng pagkakayakap niya.

"Babe mo mukha mo! Bitawan mo nga ako, doon kana sa Tin mo!"

"Nagseselos ka ba? Ano ka ba, wala ka namang dapat ikaselos eh. Sayong sayo lang ako."

Heto na naman ang aking puso. Nagwawala na naman.

Hay nako Pongs, wag kana kasi umasa.

"Tigil tigilan mo nga yang mga pambobola mo, Cuerva!"

"Hindi ako nagbibiro, Gaston."

Naramdaman ko namang lalo pang humigpit ang yakap niya at sumandal siya sa may kanang balikat ko.

Bakit mo ba ginagawa 'to, Basti?

"Seryoso ako this time, Pongs. Wala ng halong biro. Mahal kita. I love you. Do you want me to express it sa ibang language pa?"

Loading.....

Loading......

LOADING.......

OH MY GOSH.

WAAAAAAHHHH







"No need, Basti. Mahal rin kita."

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon