Jhoana Maraguinot and Ysay Marasigan
"Rex, alam mo kapag daw first time mo sa isang church you can make a wish daw. Is it your first time ba here? Ako kasi oo eh." Sabi ni Therese.
"Oo, T. Ang ganda nga dito eh. Pero wala pa rin mas gaganda sayo!" Banat ni Rex at namula naman siya.
"Che nga! Bolero mo talaga Intal! Tara let's make a wish na." Aya niya.
So Therese and Rex both closed their eyes, and wished.
'I wish that the girl right here beside me will be 'mine'. I want to be with her, always and forever. I wish that I can call her mine.... My girl, my queen and the only girl that I will vow to love for the rest of my life.' Pag wiwish ni Rex pero hininaan niya lang dahil baka marinig ni Therese.
'I wish that this boy right beside me won't be torpe anymore. Sana po umamin na siyang may gusto siya sakin because nakakapagod rin pong maghintay. Nako kay gwapo at chickboy na lalaki, torpe naman pala!' Pag wiwish ni Therese ng pabulong.
Sabay namang binuksan ni Therese at Rex ang kanilang mga mata.
Jho's POV
I really love how two people look at each other when they are inlove. Just like how Rex and Therese look to each other. So I decided to add them on my video kaya I immediately opened the video cam that I am holding and shooted the two of them.
Hay. Itong dalawang to oh! Alam naman nilang gusto nila ang isa't isa, ayaw pa mag aminan. Ano kaya inaantay nitong dalawang to? Pag graduate na sila tsaka pa lang mag aaminan para diretso kasal na after?
"Lalim ng iniisip natin ah!" Sabi ni Ysay at nagulat naman ako.
"Ha? Sino ako?" Tanong ko.
"Ang cute mo. You're like an innocent child HAHAHAHA!" Sabi ni Ysay sabay pinch sa ilong ko. Hinampas ko naman siya at napa aray naman siya.
"Hoy Marasigan! Mambobola ka na nga lang may kasama pang asar! Tsk!" Sabi ko.
"No Maraguinot. Hindi ako nambobola. Cute ka talaga." Pabulong niyang sabi sabay alis. And that made my heart go wild. Woah. Parang maraming wild animals na nagwawala sa puso ko. Nako po.
"Hoy Ate Jho! Bakit ka namumula?" Panggugulat na tanong ni Deanna.
"Ha? Ako namumula? Ah eh ano mainit kasi..." Palusot ko gumana ka please....
"Ate Jho sabaw ka ba? Nasa Tagaytay tayo ang init? Ang lamig lamig kaya!" Sagot naman ni Ponggay na bigla na lang sumulpot.
"Wait guys... Bago tayo pumunta dito, kausap niya si Kuya Captain... Then may binulong si Kuya Captain sa kanya tas napatulala at namula na si Ate Jho! Hindi kaya umamin na si Kuya Captain na may gusto siya kay Ate Jho? OMG!!!" Sabi naman ni Pat.
"Ha? Si Ysay may gusto sakin? Luh! Mga pinag iisip niyo!" Sabi ko naman. Nagtinginan naman silang tatlo.
"Ah hindi Ate! Sabi niya si Kuya Captain ayun oh! Kumakain ng ice cream! Kanina pa kasi niya inaamin samin na gusto niyang kumain ng ice cream hehe!" Sabi ni Dean habang tinuturo si Ysay. Nakita ko namang sinamaan niya ng tingin si Pat at nag peace sign lang ito pero napunta ang atensyon ko kay Ysay na kumakain ng ice cream sa labas.
Anong trip nitong lalaking to! Ang lamig lamig na nga naka ice cream pa. Tapos ang dumi dumi kumain ng ice cream! May dungis pa! Tsk ano ba yan.
Pero ang cute niya kumain ng ice cream ha... At dahil nacucutan ako sa kanya habang kumakain ng ice cream... I opened my video cam and shooted him while he's eating.
