One Last Flight

2.7K 62 12
                                    



(Credits to the owners of the photos!)



Alyssa Valdez



Bawat talon at palo ay aking nilakasan.


Sinigurado kong bawat palo ko ay makakapuntos ako.


Sabi nga nila,


'Treat every point and every game as if it was your last.'


At ginawa ko naman ito.


Oo nga pala, ito na ang huli kong laro.


Pero bakit ganoon?


Ni hindi man lang pumapasok sa isipan ko na tapos na ang aking huling laro.


Ang aking huling lundag,


Huling palo,


At huling paglipad sa ere


Para sa asul at puti.


At kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay ang pagsaboy ng mga confetti.


Hudyat ito na tapos na ang laro.


Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya.


Pero bakit ganoon,


Bakit hindi ito sapat?


Matapos naming batiin ang La Salle (na nanalong koponan),


Hindi ko na napigilan ang tuloy tuloy na pag-agos ng aking mga luha.


Nakita ko namang papalapit si Dennise sa akin kaya ng makalapit na siya ay agad agad ko siyang niyakap.


"Shhh... You ended your career with a bang, Ly! You even fought hard until the last point. You really used the word 'heartstrong', indeed. We're so proud on what you have reached and what you have become."


Tama nga si Den.


Lumaban ako at ang buong team hanggang sa huli.


Kaya lang,


Masakit.


Masakit na hindi ko man lang nabigyan ang aking koponan ng isa pang muling championship,


Bago ko lisanin ang UAAP.


Bigla naman akong niyakap ng aking Itay.


"Anak, diba sabi namin na kahit anong mangyari ay nandito lang kami lagi para suportahan ka? Mahal na mahal ka namin, anak. At sobrang proud kami sa narating mo. Sobrang layo na ng narating mo, nak. At higit sa lahat, ikaw ang isa sa mga naging dahilan kung bakit mas lalong sumikat ang volleyball."


Lalo namang pumatak ang aking mga luha.


Sunod ko namang niyakap si Amy at Mae.


"Kiwi and Mae, I'm very sorry if I didn't brought the crown back home."


"No Ly. You shouldn't be sorry, okay? You fought hard for it. We all fought hard for it. We all want it. But maybe the other team just want it more so we weren't able to bring back the crown into our home, the Blue Eagles Gym."


"And at least, we got the first runner up!"


Oo nga pala.


Kami ang first runner up.



Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakarating kami sa ganitong kalayo at naging first runner up pa kami.


Hindi man namin naiuwi ang korona, nagawa pa rin naming makatuntong sa finals.


Isa itong karangalan.


Ang makalaban ang isang koponan na ubod ng husay ay isa talagang karangalan.


"A-ate Ly..."


Para naman akong bigalng nanghina nang marinig ko ang basag na boses ni Bea at ng makita ang kanyang namumugtong mata na ayaw tumigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.


"I'm sorry Ate Ly... H-hindi man lang kita nabigyan ng pangatlong championship bago ka umalis ng UAAP..."


Agad ko naman siyang niyakap.


"Tahan na, Bei. Okay lang yun. At least lumaban tayong lahat hanggang sa huli. I'm still proud of you girls, no matter what."


"P-pasensya na talaga, Ate Ly. Sa susunod na season po, babawi kami. Babawi kami para sa inyo."


"Yan! That's the Bea I know. Di nawawalan ng pag-asa at punong puno ng fighting spirit."


Ngumiti ako at bumitaw na sa pagkakayakap.


Nakita ko naman si Von na papalapit sa akin at nang makalapit siya ay bigla niya akong niyakap.


"The whole Ateneo community is very proud of you, Ly."


"Salamat, Von. Pasensya na kung hindi ko nabigyan ng isa pang championship si Lau. Last year pa naman niya."


"Alyssa you did your best, okay? And besides kayo pa rin ang champion sa puso namin!"


"Maraming maraming salamat, Von. I'm really thankful to have a friend like you."


"I'm thankful to have a friend like you too, Alyssa. Sige na, pupuntahan ko nasi Lau. Baka magtampo na sa akin, joke! Oh by the way, isipin mo na lang na half of my hug is made with love from Kiefer. Tumawag ang loko, yakapin na lang daw kita para sa kanya. Nako, ang lakas ng tama sayo!" Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko at nagpunta na kay Lau.


Bumalik naman ako papunta sa team at nagyakapan kaming lahat.


"Girls, alagaan niyo ang isa't isa ha? Kayo nang bahala."


Lumapit naman ako kay Coach Tai at niyakap siya.


"Coach, thank you for everything. Take care of the team ha? Huwag mo na pahirapan masyado!" Sabi ko na siyang ikinatawa niya.


"Ok ok I will! Just stay happy happy, okay? Heartstrong!"


"Yes, coach. I will."


Lumakad naman ako papunta sa crowd at habang lumalakad ako ay pinapalakpakan ko sila.


"Maraming salamat po sa inyong lahat."


At dito na nga nagtatapos ang aking paglalaro para sa asul at puti.


~

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon