Ako Na Lang Sana

3.1K 71 9
                                    

Thirdy Ravena and Bea de Leon

Bea's POV

"Beiiiii! Sa tingin mo, anong mas bagay sa kanya dito?" Tanong niya sa akin sabay pakita nang isang black at green na dress.

"Thirds, I'll go with the green dress. Para Animo La Salle talaga siya! Joke." Sabi ko.

"Bei, ano ngaaaa?" Tanong niya ulit.

"Green ngaaaaa. It really suits her, swear." Sagot ko.

"Okay then green it is. Sige na, kunin mo na yung black alam ko namang kanina mo pa gusto bilhin yan. Ako na magbabayad. Oops! Huwag kana kumontra tara na magbayad na tayo!" Sabi niya sakin sabay hila papuntang counter.

Aray ko. Para naman akong nakuryente nang hawakan at hilahin ni Thirdy ang aking mga kamay.

"Bei, saan mo gusto kumain?" Tanong niya sa akin pagkatapos naming magbayad.

"Kahit saan na lang." Sagot ko.

"Sige. Maghahanap tayo ng kainan na may pangalang 'kahit saan' ha?" Sabi naman niya.

"Che! Basta kahit saan na lang. Ikaw na lang pumili. Bilisan mo, nagwawala na yung mga alaga ko. Gutom na sila." Sabi ko sa kanya.

"Opo eto na po. Kawawa naman yung mga alaga mo eh, nagugutom na." Sagot niya.

Thirdy's POV

Bea was silently eating her fries pero sinasawsaw niya ito sa sundae imbis na sa ketchup.

"Masarap ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Wanna try some?" Alok niya sabay sawsaw ng isang pirasong fries sa sundae at binigay niya ito sa akin.

"Hmmm... Pwede na." Sagot ko. Tinaas naman niya yung isa niyang kilay.

"Pwede na? Is that all you can say? Ang sarap sarap kaya nito tapos pwede na? Are you serious?" Dirediretso niyang tanong na parang bata.

"Tikman mo nga ulit!" Utos niya sabay subo sa akin.

"Hmm... Sige na nga, masarap na." Sagot ko.

"Ano yon? Mas masarap yung fries the second time around? Parang love na sweeter the second time around?" Tanong niya.

"Hindi. Sinubuan mo kasi ako kaya masarap." Bigla kong sagot.

Pinalo naman niya ako.

"Che!" Sabi niya

Naputol ang pag uusap namin ng biglang may lumapit na bata sa amin.

"Hi Kuya Thirdy and Ate Bea! Pwede pong magpapapicture?" Tanong niya and we nodded. So we took a picture with the cute little girl and after that she said thank you.

"Kuya Thirdy, Ate Bea, I have a question po. Kayo po ba? Ang sweet niyo po kasi eh." Sabi nung bata.

"Ay baby girl no. Your Kuya Thirdy and I are just friends. And besides, he already have a girlfriend na." Sagot ni Bea.

"Oh. I really thought that you and Kuya Thirdy are in a relationship na. But anyways, I have to go na po. Thank you for the pic again!" Paalam niya

Bea's POV

That little girl's question is still on my mind.

What if I didn't introduced Thirdy to Billie?

Kami na kaya ngayon?

Hay Bea. Ano ba 'tong iniisip mo.

Thirdy and Billie are already happy together.

So I should be happy too.

Pero bakit parang hindi ako masaya?

Uh. These late night thoughts.

My thoughts are shrugged off when my phone suddenly rang.

"Hello?" I said as I answered the call.

"Bei....." He said.

"Wait Thirds, are you crying?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita." Sabi ko sa kanya.

.

"Thirds, what happened?" Sabi ko pagkakita ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero niyakap niya ako. I can hear him sobbing.

"Anong nangyari, Thirds? Tell me what happened." Sabi ko sa kanya.

"B-billie broke up with me." Sagot niya habang umiiyak.

Whoa. Sabi nila, if a boy cries because of a girl, ibigsabihin ay mahal niya daw talaga yung girl.

He really loves Billie.

Pero bakit siya inilagay sa ganitong sitwasyon ni Billie.

Bakit niya sinaktan si Thirdy?

"Bei, ginawa ko naman ang lahat para sa kanya. Tell me, nagkulang ba ako?" Tanong niya.

"No, Thirds. Hindi ka nagkulang. Never kang nagkulang." Sagot ko.

"Pero bakit siya nakipagbreak sa akin? Sabi niya, she fell out of love. So nagkulang nga ako?" Tanong niya ulit.

"Hinding hindi ka nagkulang, Thirds. Sa lahat ng effort na ginawa mo para sa kanya, hindi ka nagkulang. Sobra sobra pa nga yung mga ginawa mo eh." Sagot ko.

"Tahan na, Thirds, Hindi worth iyakan ang isang taong sinayang lang ang effort at pagmamahal mo." Sabi ko sa kanya.

Hay Thirdy. Kung ako na lang sana, hindi ka pa nasaktan.

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon