Love Story

2.9K 33 9
                                    

(So Readers, para hindi kayo malito, yung italiazed words (italic) ay flashabcks lang. Pero yung hindi naka italiazed ay yung present time.)

Therese Gaston and Rex Intal

"Mom, can you please tell me a kwento? Please please please....." Pagmamakaawa nang bata sa kanyang ina.

Therese's POV

"Uhm.. Hi! Kami nga pala yung pinadala ng management para i-guide kayo." Sabi nung lalaki sa amin ni Ponggay. Kasama niya naman ang Phenom na si Marck Espejo.

So sila pala yon.

Ngumiti lang kami ni Ponggay at ginuide na nila kami papunta sa aming mga upuan.

Tahimik lang akong nanonood ng game pero itong katabi ko ay pilit akong kinakausap. Ang daldal naman nito. Lagi siyang nagbribring up ng topic dahilan para hindi ko mapanood ng maayos ang game pero lagi namang may nag iinterrupt sa pagdaldal niya sa akin dahil laging may nagpapapicture.

Baka famous siya. Wow.

At dahil nacucurious ako ay kinalabit ko siya. Nagulat naman siya.

"Yes?" Tanong niya habang nakangiti. Well I find him cute and gwapo.

"Kuya, may itatanong lang ako. Sino ka po ba talaga? Bakit andaming nagpapapicture sa iyo?" Takang tanong ko. Napatingin naman sa akin pati si Ponggay at Marck Espejo.

"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong niya.

"Hindi. Ano bang pangalan mo, Kuya?" Tanong ko.

Bigla namang tumawa si Ponggay at Marck. Hala sila, pagtawanan ba naman ako.

"Oh Rex! Ano nang nangyari sa 'langgam na lang ang hindi nakakakila sa akin' na line mo?" Sabi ni Marck habang tumatawa. Oh Rex must be his name.

"Seriously Ate? Kanina mo pa siya kadaldalan tapos hindi mo pala siya kilala?" Tanong ni Ponggay habang tumatawa.

"Oo, seryoso Pongs. Aba malay ko ba kung anong pangalan niya!" Sagot ko. Sorry not sorry kay Kuya, hindi ko talaga siya kilala eh.

"Well pretty lady, ako lang naman ang pinakagwapong nilalang sa mundong ito. Rex Intal nga pala." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

Wow, ang hangin naman nito.

"Kuya ang hangin mo naman. Huwag kang ganyan, nakakabawas ng pogi points yan sige ka. Therese Gaston nga pala." Sabi ko at nakipagshake hands sa kanya.

"So pogi nga ako?" Tanong niya habang nakasmirk.

"Ah.. Oo?" Sagot ko na medyo nag aalangan.

"Oh thank you, Gorg. Gorg na lang tatawag ko sayo. Pero wag kang mag alala, matagal ko nang alam na gwapo ako kaya maliit na bagay lang yan." Sagot niya. Aba ubod ng kahanginan!

Para matapos na itong usapan na to, ay tumahimik na lang ako at pinagpatuloy ang panonood ng game.

The game went well pero itong Rex na ito ay walang ibang ginawa kundi ang daldalin ako. Hindi kaya siya naubusan ng laway sa sobrang dami ng kinwento niya?

Nagulat ako ng bigla na lang niya akong kalabitin.

"Why?" Tanong ko.

"Uhm.. May itatanong sana ako..." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

"Ano yun?"

"Pwedekobangmahingiyungnumbermo?" Mabilis niyang sabi. Ano daw?

"Ha? Pakiulit ang bilis mo magsalita, Kuya Rex. Hindi ko maintindihan." Sabi ko sa kanya.

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon