Jhoana MaraguinotTime check: 1:30 am
"@JhoanaLouisse: Wazzup guys! At dahil bore na bore ako ngayon..."
"@JhoanaLouisse: Who's up for an #AdviceSerye? I'm g 'til 2 am!"
Hindi ko alam kung ano ang udyok sa akin para mag-tweet. Siguro kailangan ko lang talaga maglabas ng hinanakit at sama ng loob sa pamamagitan nito? Charot.
"@jhowsugh: Anong masasabi mo sa mga gustong makalimot at mag move on? #AdviceSerye @JhoanaLouisse"
Unang question pa lang, pak na pak na! Ay, mapapalaban ako nito.
" @JhoanaLouisse: @jhowsugh una sa lahat, uhm thank you for that wonderful question! Ang masasabi ko lang is.. ++ #AdviceSerye"
"@JhoanaLouisse: @jhowsugh ++ sige lang go lang ng go! Support kita diyan 😉 Sabi nga, 'just keep moving forward!' Hayaan mo na si past, sa present at future ka magfocus!"
Actually sa ilalim ng dagat ko talaga hinugot yan, charot bye.
"@ateneoxladyeagles: @JhoanaLouisse sino po ba ang dapat na piliin ko? Yung mahal ko o mahal ako? #AdviceSerye"
"@JhoanaLouisse: @ateneoxladyeagles ay, yan tayo sa question na yan eh! Kung ako papipiliin, siyempre yung mahal ako! Hindi na ako magpapaka-shunga at martyr sa taong wala namang pake sakin! #AdviceSerye"
Wow, hindi daw magpapaka-tanga at martyr. Sinong niloloko mo, Jhoana Louisse?!
"@JHOANAAALOUISSE: @JhoanaLouisse ate, ano pong masasabi niyo sa mga fangirls/fanboys na unti unti nang nawawalan ng pag-asa na may chance sila ng idols nila? #AdviceSerye"
Ay nice question, beh!
"@JhoanaLouisse: @JHOANAAALOUISSE everything is possible, mga beh! huwag kayong mawawalan ng pag-asa.. Sabi nga ng mga jeje, never give up! #AdviceSerye"
"@Benggadora08: Ay pak, may pa ganitong effect! Tarush! @JhoanaLouisse #AdviceSerye"
"@JhoanaLouisse: @Benggadora08 Hahaha lamoyan, Mama Bengs! #AdviceSerye"
"@Benggadora08: o sige, ako pa-try! @JhoanaLouisse ano naman pong masasabi mo sa mga hindi pa rin makamove on sa ex nila? #AdviceSerye
"@JhoanaLouisse: @Benggadora08 ay nako mga bes, gising na sa katotohanan! kung sa tingin mo may pag-asa pa, (huwag yung tipong assuming ha) edi ok makipagbalikan ka! ++"
"@JhoanaLouisse: @Benggadora08 pero kung wala na talaga eh tigilan mo na yang kahibangan mo iha/iho! #AdviceSerye"
Tigil tigil din kasi pag may time.
"@MichelleMorente: ate, ano pong masasabi niyo sa mga natatakot umamin? 🙈 #AdviceSerye @JhoanaLouisse"
"@JhoanaLouisse: @MichelleMorente anong klaseng pag-amin ba yan? Sa kasalanan? chos! Ang masasabi ko lang ay, uso mag-ipon para may pang text sa international number! #AdviceSerye"
Sarili ko ba pinapatamaan ko dito? Anuna?
"@JhoanaLouisse: That's a wrap! Maraming maraming salamat, guys! Sa uulitin. 😊 Sana nag enjoy kayo hehe pasensya na kung hindi ko nasagot yung iba! 😅 #AdviceSerye"
Time Check: 2 am