Warning: Ito po ay purong kalokahan lamang ni Author.
Therese Gaston and Rex Intal
Ponggay Gaston and Basti Cuerva
Ponggay's POV
It is AMVT's Victory Party at sa kabutihang palad ay nakisabit pa kami dito. After namin ng aming team dinner ay dumeretso agad kami dito. Di ko na keri ang AMVT, mga lasheng na talaga!
Lumapit naman sa akin ang aking soon-to-be-babe este close friend ko na si Basti na may dala dala pang beer.
"Pauline oh." Abot niya sa akin pero tinanggihan ko. Good girl ako mga beh.
"Ayoko. Malasing pa ko diyan tapos baka kung saan mo pa ko dalhin duh!"
"Lul! Baka nga ikaw mag take advantage sakin! Pero asa ka namang papatulan kita eh hindi nga kita type!"
Aray ko naman.
"Sinabi ko lang na baka kung saan mo ko dalhin, ganyan na agad nasa isip mo? Hoy Cuerva, uso maglinis ng utak!"
"Hoy Gaston, sino bang nagsimula?!"
"Hoy babies, tama na away. Magsiuwi na kayo." Saway naman sa amin ni Ate Alyssa.
"Uwi na rookies. Curfew time!" Sabi naman ni Kuya Ysay.
Bakit may curfew time pa? Huhuhu!
"Bakit may pa ganyang effect, captains?" Takang tanong ni Deanna na halatang nag-eenjoy pa.
"Ganyan talaga. Kami nga may curfew rin kaso after two hours pa." Sabi naman ni Ate Therese.
"Ang gara naman!" Reklamo naming rookies.
"Hay ganyan talaga pag babies pa. Sa susunod na lang kayo bumawi kung meron pa, okay? Sige na magsiuwi na!" Sabi ni Kuya Ysay at wala kaming nagawa kaya sumunod na lang.
"Bae, hatid na kita." Sabi ni Basti na ngayon ay kaakbay ko na dahil pagewang gewang na siya.
Bae daw.
Ang sarap sapakin nitong lasheng na 'to eh!
"Bae mo mukha mo! Ako na magdridrive. Saan kita ihahatid?"
Narinig ko namang nag-smirk siya.
"Sa lugar na kung saan tayong dalawa lang." Seryosong sabi niya.
Hay nako, lasheng na talaga 'to!
Sasagutin ko pa dapat siya kaya lang pagtingin ko ay tulog na.
Ugh, kainis talaga 'to!
So wala na akong nagawa kaya binuhat siya papuntang kotse ko at nagdrive na.
Teka saan ko nga pala 'to dadalhin?!
Sa condo kaya?