Will You Be My Date?

3.2K 80 3
                                    

Alyssa Valdez and Kiefer Ravena

Alyssa's POV

"Aly sige na pumayag kanaaaaaaa." Pamimilit ni Kiefer sa akin.

"Hoy Isaac, hindi lang naman ako ang babaeng atleta. Ang dami dami namang magaganda diyan, bakit ako pa yung napili mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi best friend kita. And hoy! Maganda ka naman ah!" Sagot niya sa akin.

Tsk nambola pa.

"Huwag mo nga akong bolahin! Nako, kaya mo lang naman siguro ako pinili kasi no choice kana. Palibhasa hindi pumayag yung babaeng pinopormahan mo eh. Kaya ang bagsak mo, sa akin. Tsk." Sabi ko sa kanya.

Lagi naman siyang ganyan. Kapag pumalpak sa pinopormahan niya, sa akin agad ang diretso. Pero sabagay yun naman talaga ang role ng best friend.

Oo na tanggap ko na, na hanggang best friend lang ako. Huwag niyo nang ipamukha. Lagi na niya kasing ipinamumukha eh. Kahit ang sakit sakit isipin na hanggan dun lang ako, tinitiis ko pa rin. Mahal ko eh.

"Hoy hindi naman sa no choice, sadyang hindi lang talaga siya pwede kasi may nauna nang nag aya sa kanya para maging date sa Athlete's Night. Grabe naman!" Sagot na lang niya.

"O diba tama ako? Tsk ganyan ka naman eh. Bahala ka nga diyan! Maghanap ka ng date mo!" Sabi ko.

"At sana sa susunod na tanungin mo ako, yung pormal naman para mapasagot ako ng oo!" Dagdag ko pa sabay iwan sa kanya. Nako bahala siya diyan.

.

"Ate Ly Ate Ly! Do you have a date na ba?" Tanong ni Bea sa akin.

"Wala pa Bei. And besides, pwede naman akong pumunta ng Athlete's Noght nang ako lang mag isa." Sagot ko sa kanya.

"Ate Ly hindi pa ba nasasabi sayo yung rule? Hindi daw pwedeng umattend ang walang date." Sabi ni Bea. Hala may rule pala na ganoon.

"Edi hindi na lang ako aattend." Sagot ko.

"Ay huwag ganyan Ate Ly! Lahat kami aattend oh. Huwag madaya dpaat ikaw rin aattend! Don't worry, mamaya lang may date kana." Sabi ni Bea sabay kindat sa akin.

"Huh? What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wala wala. Focus kana lang sa training Ate!" Sagot niya.

Kiefer's POV

"Hala bakit ang dilim?" Rinig kong tanong niya. Boses pa lang alam ko nang siya na.

"Hoy girls if this is one of your pranks, stop it. Hindi ito nakakatuwa ha."
Sabi niya. Halatang natatakot na siya dahil sa tono ng boses niya.

Nagpagulong naman ako ng isang bola papunta sa kanya at pinulot niya naman ito.

Alyssa's POV

Nagulat ako nang may gumulong na bola papunta sa akin. Pinulot ko naman ito at biglang nagbukas ang mga ilaw.

Woah. Meron palang nakasulat sa bola.

'This time, I'm going to make sure that before this night ends, you are going to say yes to me.'

Wow naman. Parang sure na sure na itong lalaking to na mapapa 'oo' niya ko huh.

Napatingin naman ako sa paligid and wow just wow. Grabeng effort nitong lalaking to. Palibutan man ba yung net ng lettering na 'Will you be my date?'

All I can say now is wow. Grabe yung effort nito.

Bigla namang nahagip ng aking mga mata si Kiefer na papalapit sa akin.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

"Hindi." Sagot ko.

"Ha? Bakit? May kulang ba? Hala! Palpak na naman tsk." Sabi niya.

"Wala. Walang kulang. I'm beyond amazed sa effort mo, Mr. Kiefer Ravena. At hindi ko gusto ito dahil gustong gusto ko." Sagot ko. Napangiti naman siya. Yung ngiting abot tenga.

"So ano? Yes na ba?" Tanong niya habang nakangisi.

"Wala man lang speech?" Tanong ko sa kanya.

"Demanding mo naman! Hindi uso sa akin yung speech. It's too cliché. Alam mo namang hindi ako mahilig sa clichés diba? Gusto ko unique. Yung extraordinary. Kasi yun yung dapat ma experience ng isang taong sobrang halaga sa akin. Yung taong mahal ko." Sabi niya.

"So will you be my date?" Tanong niya.

"Yes Kiefer Ravena. I can be your date." Sagot ko. Bigla naman niya akong niyakap.

"Thank you for saying yes. Antagal kong pinaghandaan to ha!" Sabi niya.

"Pero mas matagal yung paghihintay ko sa iyo na sabihin mo ring mahal mo ko." Sagot ko at nagulat naman siya.

"M-mahal mo rin ako?" Tanong niya na pautal utal pa.

"Matagal na Kief." Sagot ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Hi KiefLy Shippers! 😉💙✨

Ateneo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon