17. Taking Chances

706 24 11
                                    

It's the seventh day of the month. And as  always, si Ian ay nasa orphanage, sa kabila ng pag kabusy nito sa mga nakaraang araw ay nakapunta pa rin ito dun. He wouldn't miss this day, a day for himself, and a day to be happy with the children. Katatapos lang niyang makipaglaro sa mga bata, masayang masaya siyang nakilaro sa mga ito. Sumaglit muna siya sa pinakapaborito niyang lugar sa punta verde, sa may burol. He rests for a while there at sinasariwa niya ang hangin, napapikit siya. It's been two weeks since she last saw her, at sa mga araw na iyon ay para siyang tinotorture, he missed her, he miss seeing her. But what he can do, hindi naman niya ito pwedeng pilitin na gustuhin siya. Baka ayaw lang din niya akong makita. Saad niya sa isipan. Hindi nagbago ang nararamdaman niya para rito, oo, nasaktan siya sa mga sinabi nito pero hindi iyon naging dahilan para magbago ang nararamdaman niya. He only wanted to give her space, and to think, baka sakaling magbago ang nararamdaman nito. Hindi pa niya ito inaaproach ulit dahil pakiramdam niya hindi pa ito ang tamang panahon.

---

Jc and Betty Mae are on their way to Punta Verde. Nagdecide si Jc na pumunta sila dun ngayon, alam niyang nasa Orphanage ngayon si Ian, because its the seventh day. Sinadya niya talaga ito. Gusto niya itong makausap, dalawang linggo na rin silang hindi nagkikita, naging busy rin kasi siya sa mga araw na ito at sa mga panahong din ito ay hindi nagparamdam si Ian sa kanya. Inaamin niya na namiss niya ang presensya nito. At inamin na rin niya kay Betty Mae ang nararamdaman nito, that he likes Ian too, natuwa ang kanyang kaibigan. Tinanong niya rito kung ano ang gagawin niya, kung ipapaalam ba niya ito kay Ian o hahayaan na lang niya kasi naman ay hindi na ito nagparamdamam sa kanya. She still remember their conversation that night.

"Paano magpaparamdam sayo frend, e binusted mo na nga diba?"

"Betty Mae, paulit ulit?"

"Hayan kasi, pakipot ka pa kasi, hayan tuloy. Gusto mo rin pala si Papa I."

"Anong gagawin ko?"

"Ipaalam mo sa kanya frend. Kausapin mo siya."

"Paano ko siya kakausapin? Eh, hindi ko na nga siya nakikita"

"Kung kailangan mong ipahanap, ipahanap mo siya. Makausap mo lang."

"Wait, what's the date today?"

"5."

And nagkatinginan sila. And alam nilang pareho sila ng iniisip.

Kaya heto sila ngayon, patungo sila sa Punta Verde.

"Frend, maabotan kaya natin siya dun? Anong oras na oh."

"It's okay if he's not there, hindi lang naman siya ang sadya natin dun, pupunta rin ako dun para sa mga bata."

"Oh, so gawain mo na rin ang pumunta dun tuwing every 7th day."

Tinignan niya ang kaibigan. "Betty Mae."

"I'm just kidding." pabiro ni Betty Mae. "But if he's there, are you gonna tell him?"

"I don't know."

"Anung i don't know, i don't know. Hayan ka na naman ha."

"If there's any chance, maybe."

"There is. Ako na nagsasabi sayo. So take that chance, okay. Wag mu nang sayangin."

She just shrugged.

Mga ilang minuto ay nakarating na sila sa orphanage. Nagulat naman ang mga naroroon sa kanilang pagdating pero they still gave them a warm welcome, lalo na yung mga bata. Medjo nanlumo lang siya ng wala siyang makita na bakas na nanduon si Ian.

Mr. Perfect Meets Ms. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon