28. X

686 22 10
                                    


"I'm here at Cebu right now friend, sorry for not informing you. Just call you later."

It was a reply coming from her friend Betty Mae. She texted her para tanungin kong nasaan siya and nasa Cebu pala ito kaya naman pala hindi nagpaparamdam sa kanya.

She's at her office right now. Hindi ganung ka busy ang araw niya ngayon, she just had a few meetings kaninang umaga. Lalabas sana siya para kumain pero parang wala siyang ganang kumaing mag isa. Gusto niyang tawagan si Ian pero baka kanselahin na naman niya ang meeting nito para puntahan lang siya and ayaw naman niya nang ganun, hanggang 2 pm pa ang meeting nito.

Tumunog ang intercom. "Miss, Mr. Richard Goblez is here. Gusto raw po kayong makausap."

Nagtaka siya kung ano ang sadya niya rito. "Oh, okay just send him in." Sabi niya. At mga ilang saglit lang ay bumukas ang kanyang pintuan, napaangat ang mukha niya. It was Richard. Tumayo siya para salubungin ito.

"Hello!" Bati sa kanya ni Richard, and sabay halik sa pisngi

She smiled. "Hi richard!" Balik niyang bati. "Good to see you again."

"Sorry for bragging here, i hope di ako nakakaistorbo sayo."

Bumalik sa pagkakaupo si Jc. "Have a seat first Richard." Alok niya. "And No, you're just in the right time, wala akong masyadong meeting ngayon."

Napangiti si Richard. "Great then."

"So, gusto mo raw akong kausapin?" Tanong niya rito. Actually, gusto rin niya itong kausapin dahil na rin sa nangyari nun, hindi pa niya ito nakakausap ng personal.

"hm. Yeah sana and gusto sana kitang iinvite for lunch if it's okay with you." Di na nagpaligoy ligoy si Richard sa pagsabi

"Hmm. Okay Richard, tutal hindi pa naman ako kumakain. And para makapag usap na rin tayo." Paunlak naman ni Jc

Mas nagliwanag ang mukha ni Richard. "Okay then, let's go? I know some place kung saan may masarap na pagkain."

"Sure, just give me a minute." Sabi ni Jc

Kinuha na niya ang kanyang bag. And she checked her phone if there's any message pero wala. Nagdadalawang isip siya kung ipapaalam niya ito kay Ian. Her mind says na wag na lang kasi kakain lang naman sila at mag uusap, walang masama dun. But the other says, yes, because knowing him, paniguradong aatakihin na naman yun ng sumpong niya pag nalaman niya ito.

"let's go?" Pukaw ni Richard

"Yeah." At lumabas na sila sa kanyang office. Nagdesisyon siyang wag na lang ipaalam kay Ian.

---

"So, you're already in a relationship na pala with Mr. Buenavista." It was an statement from Richard

Napatingin naman si Jc sa kanya. "Ahm. Yes." Ikli niyang sagot. "And I'm sorry  nga pala sa inasta niya nun."

"It's okay Jc, i understand him. He's possessive huh." Sabi ni Richard. "And di ko naman siya masisisi, ganun din siguro ako kapag ako ang boyfriend mo." Dugtong na sabi nito

Napapangiti na lang si Jc sa mga sinasabi nito.  "Lucky him, mas nauna ka niyang nakilala." Sabi niya ulit

"Ikaw talaga Richard." Tanging sabi na lang ni Jc sa kanya.

Napatawa naman si Richard. "But really, he's lucky to have you."
 
Napapangiti lang si Jc. "I'm lucky to have him also Richard." Sabi niya sa kanya

Mr. Perfect Meets Ms. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon