26. The One

675 28 14
                                    

This chapter's dedicated to all JodIan out there. :)) I know miss na miss niyo na sila.

________________

That night hindi natuloy ang pagkikita nina Jc at Ian. Ian got stuck on his meeting, na late ang kanyang kameeting ng isang oras. Kung alam  niya lang sana ang ugali ng kanyang kamiting ay umalis na siya pero wala naman siyang magagawa, nasanay na siya rito. He just called Jc to inform her that he can't see her but he explained it to her why. Naintindihan naman ni Jc si Ian, of course work is work pa rin and she knows the feeling. He just reminded her about sa lunch nila with his family sa bahay ng kanyang mama.

Inumagahan ni Ian ang paggising para mapuntahan niya agad ito. He knows that it's still early but he wanted to see her already. And he's excited sa kung anong mangyayari ngayong araw. Ipapakilala na niya ito sa kanyang mama bilang girlfriend niya. Nakatayo na siya ngayon sa pintuan ng bahay ni Jc, naghihintay siya na pagbuksan siya. And mga ilang saglit ay bumukas na ito, and nakita niya si Peter.

"Goodmorning Mr. Buenavista. Please come in." Bati ni Peter sa kanya

"Goodmorning too Peter." bati rin niya rito.

"Ms. Powers is in the garden Sir." Pinaalam ni Peter

"Oh, okay. Thank you Peter." Pasasalamat niya rito at nagtungo siya sa garden.

Hindi naglaon ay nakita na niya ito, she's busy on reading something. Nakatalikod si Jc kaya hindi niya ito agad mapapansin. Naglakad siya ng dahan dahan papunta sa kanya. And nang malapit na siya rito ay yumuko siya para halikan ang kanyang pisngi. And nagulat naman si Jc at napatingin sa kanya.

"I!" bulyaw niya rito. "Ginulat mo naman ako."

Napapangiti naman si Ian. "Good morning!"

Umirap si Jc. "Bat ka ba nanggugulat?" "And bat ang aga mo, i thought mamaya pang 10 ang alis natin, mag aalas otso pa lang ha." Curious na tanong ni Jc

"Hm. I just thought na baka pwedeng dito ako kumain ng breakfast kaya nagpaaga ako."

Napatawa naman si Jc. "Grabe ka I, makikikain ka lang pala."

Ian laughed also. "Just kidding." Hinawakan niya ang kamay niya. "I just wanna make it up to you, hindi ako nakapunta kagabi kaya inagahan ko na ang pagpunta rito." He said

"I, its okay naman. I understand." she smiled. And napansin niya ang kanyang suot, Naka polo shirt and jeans lang siya, pangalawang beses pa lang niya itong nakitang nagsuot ng ganun. And still, he looks dashing. She looked at his face, mahaba pala ang pilik mata ni Ian, and his eyes are different, para kang matutunaw pag tinitigan mo ito.

"You like what you're seeing Ms. Powers?" Pukaw ni Ian sa kanya.

Napaiba ang tingin ni Jc. "Nahh... Its just, di ako sanay na makita ka na ganyan ang suot mo, its very unsual of you." Saad niya rito

Ian smirk. "Sunday is an exception babe, and ayaw mo ba? You can see the other side of me." He teased

Hinampas niya ang kanyang braso. "You know what, mag preprepare na ako. Para makaalis na tayo." Papatalikod na sana si Jc but He grabbed her arm.

"Mamaya na, maaga pa naman." Pangungumbinsi niya

Tinitigan niya ito. "Okay then. Kumain ka na?" tanong niya rito

"Hmm. Yeah, maaga nagluto si Nay Pasing." Sagot niya. "And hindi niya ako pinapaalis ng umaga kung hindi ako mag aalmusal."

"Ohh, ang nanay nanay nanayan mo."

Mr. Perfect Meets Ms. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon