>>Prologue<<
Move on.
Paano nga ba mag move on??
Paano nga ba makakalimutan ang isang taong nagbigay sayo ng ligaya, ng saya at pagmamahal?
Yung taong pinakitaan ka ng pagmamalasakit, pag-aalala, pangangalaga.
"Move on" isang salitang ang tagal ko ng sinasabi pero hindi ko pa rin magawa.
Hindi ko sya magawang kalimutan. Ang mga alaala naming dalawa.
Hanggang isang araw ay may nag text. Kilala nya ako higit sa kilala ko ang sarili ko. Yung mga sikreto ko, ang mga hilig ko.
Sa bawat text nya, napapangiti ako.
Sa bawat reply nya, parang nakakalimutan ko ang problema.
Dahil sa tulong nya, nakalimutan kong pinagpalit lang ako.
Para bang nawala ang paghihirap ko tuwing kinakausap ko sya sa sarili naming mundo.
Minsan, napapatanong tuloy ako sa sarili ko.
Mahal ko na ba sya? Mahal ko na nga ba ang katext ko?
Ang katext ko na naging dahilan ng pagmo-move on ko.
Pero paano? Paano ko masasabing mahal ko sya kung hindi ko pa sya nakikita.
Paano kung hindi sya ang taong inaakala ko?
Pssst. Hu U?
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...