Chapter 16: Temptation Party

40 0 0
                                    

Rence Point Of View.

Rence: Hindi talaga ako mapakali. Ano kaya yung sasabihin nilang apat?

M: Baka mahal ka pa din nilang lahat?

Rence: Sira. Mukhang mas malalim pa dun yung gusto nilang ipaalam sa akin eh. Tsaka kahit ganon yung sasabihin nila, sasabihin kong may M na ako.

M: Sus. Nambola ka pa.

Rence: Totoo yun. Basta wag mo akong iiwanan ha?

M: Oo naman. :) Ikaw pa?

Rence: Salamat.

*1 message recieved*

Eric: Hoy dude!

Ow himala? Nagtext si Eric. Sigurado may kailangan to. Pabayaan ko nga sya! Wrong timing King!

M: Mahal mo pa ba sila?

Rence: Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na. Mahal ko sila. Ang bawat isa sa kanila.

M: Ouch. Ang sakit.

Rence: Hala. Wag kang masaktan. May special kang kwarto dito sa puso ko.

M: Maniwala? Eh di mo pa nga ako nakikita eh.

Rence: Tss. Importante pa ba yun? Basta masaya lagi ako tuwing nagtetext ka. Pakiramdam ko nga ang tagal na kitang kakilala eh.

M: Malay mo :)

Rence: Pakilala ka na kasi!

M: Ayaw ko :P. Hulaan mo :D

Rence: Bahala ka nga.

M: Haha.

Eric: Hoy! Lawrence!

Rence: What?! Ano ba problema mo?

Eric: Ayan, ginaganyan mo na ako! Yapat may M ka na!

Rence: Ang drama mo.

Eric: Psh. Whatever. May sasabihin nga pala ako.

Rence: Ano?

Eric: Punta ka sa bahay mamaya. May party ako.

Rence: A-Y-O-K-O. Asa ka pa!

Labo mo akong mapasama sa party ni Eric! Nadala na ako! Noong last na nagpaparty yan, pagpasok na pag pasok ko sa bahay nila ay sobrang dim ng lights at napaka tahimik.

Maya maya lang ay biglang may mga lumabas na babaeng halos hubad na! Shemay yung lalaking yun! Baka mapagkamalan pa akong pervert.

Kuntento kasi ako sa mga babae sa buhay ko. To be honest, sobra sobra pa nga eh. Di ko alam kung ano ang gagawin ko para malusutan ang pinasok kong gulo.

Eric: Sige na! Parang wala naman tayong pinagsamahan ay!

Rence: Shut Up! Ise-set up mo na naman ako sa bahay nyo! Mapagkamalan pa akong nag uuwi ng stripper!

Eric: Haha. Naalala mo pa yun? Wala ng ganoon! Promise. Kainan lang naman eh.

Hm. Ayoko talaga pumunta eh. Masama na naman yung kutob ko dito. Kaso malaki ang utang na loob ko dito sa tarantadong to.

Rence: Pst. Sasama ba ako sa party ni Eric?

M: Your choice. Pero mas maganda if you spend more time on your friends right?

Psh. Sige na nga. Sasama na ako.

Rence: Okay fine.

Eric: Yes! Di mo to pagsisisihan! :D Tska nga pala, magdala ka ng trunks. Swimming party tayo.

Okay, parang nagsisisi na ako ah.

--

>>[Eric's House]<<

"Ow dude! Salamat at nakarating ka! I love you!" at tinangka nya akong akapin. Pero naharang ko sya. Asa!

"Lumayo ka nga! Nakakadiri ka! Ano bang meron?!"

"Sungit mo kamo? Wag mong sabihing nahawaan ka na ni Ms. PMS?"

Ms PMS? Hm. Diba sya yung bagong babaeng pinagbubuhusan ng pansin ng walang kwentang lalaking ito! Tss. Sana mabasted ka!

"Whatever. Sandali lang ako dito ha?! Marami pa akong gagawin!" at iniwanan ko na sya sa may gate para pumasok sa loob ng bahay nya.

Opo. Bahay nya. Sakanya na kasi tong bahay na tinitirhan nya. Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na napaka yaman nila? Ang totol nga, hindi na tama na tawagin 'tong bahay eh. Mansion na.

"Sigurado kang sandali ka lang?" sabay smirk nya.

Tumigil ako sa paglalakad.

"Shemay! May pinaplano ka no?!" kutob ko.

"What? Asa ka. Nagiging assuming ka na ha dahil kay M mo!" pero hindi pa din nawala yung smirk sa mukha nya.

"Siguraduhin mo lang!" pumasok na ako sa loob.

Kaso bakit ganoon? Walang ka tao tao?

"Hoy. Eric. Akala ko ba party to? Bakit walang tao?" tanong ko.

"Haist. Nagiging tanga ka na rin ha. Hindi ka ba nagbabasa ng text ko?"

"Hindi ko napansin. Ano ba yun?"

"May dala ka bang trunks?" tanong nya.

Swimming trunks ba? Hm. I thought it was a dumb thing to do na magdala ka ng swim wear sa isang party pero nagdala pa din ako.

Sabi ni M eh. Incase lang daw.

"Buti naman. Kasi pool party kaya yung mangyayari." sabi nya na proud.

Pool party?! Asa talaga sya! Tamad na tamad na nga akong gumalaw, tapos gusto nyang lumangoy pa ako? Mas gusto ko pang umuwi sa bahay at makipagtext kay M ko!

"Ayoko nga! Uwi na ako!" sabi ko sabay akmang palabas na.

"Waaaag! Di pwedeng wala ka!" pinaluputan nya yung mga binti ko at piniligilan akong umalis.

"Sheete! Bitiwan mo nga ako! Corny mo!" hinahatak ko yung paa ko!

"A-anong ginagawa nyo?" may narinig akong isang boses ng babae na parang pamilyar sa akin.

"M-mads? U-umaano ka dito?" sheet. Nauutal ako. At di ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Ha? Nandito ako para sa party ni Eric." di pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

Hindi dahil sa past namin, kung hindi dahil sa ..

Naka two piece swim suit sya! Sheet. >//<

"Sunod na kayo dun. Nagvo-volley ball kami." at umalis na sya. Iniwan nya akong nakanga-nga.

"Yung bibig mo. Pasukan ng langaw." sabi ni Eric.

"Kaya magpalit ka na ng trunks. Nandun din sa pool sila Jane, Cece at Allison. Ikaw bahala kung gusto mo ng umuwi." sabay smirk nya at pumunta na sya sa may pool.

Shemay! Temptation! Layuan mo ako!

--

Hey :)

Whaha. Pang adik po ang chapter na to. Pagpasensyahan na XD

Vote .. Comment .. Love :)

                                -MyThunder09

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon