Chapter 19: Revelation

45 0 0
                                    

Rence Point Of View.

"Magsalita ka Lawrence. Sino si M?" sabi ni Allison.

Shete. Wala na. Nacorner na ako. Bwisit kasi na Eric yun eh. Ayoko muna sana sabihin sa kanila ang tungkol kay M. Kasi kung tulad nga ng hinala namin, baka isa sakanila ang taong nasa likod ng mga ngiti ko, yung magiging susi para maka move on ako.

Parang guguho lang yung pangarap ko na makikita sya dahil pag nalaman nya na pinaghahanap ko sya, baka lalo pa syang magtago.

Eh kaso nga, dahil sa Eric na to, no choice na ako kaya dapat ko na sigurong sabihin sa kanila kung sino ba talaga si M.

"Si M ang taong nasa sumalo sa akin nung iniwan ako ni Allison." panimula ko.

So ayun na nga. Kinuwento ko na sa kanila mula sa una. Habang kinukwento ko, tinitignan ko kung sino yung kahina-hinala yung mga galaw. Baka sya si M. Ang kaso nga lang, lahat sila hindi makatingin sakin ng diretso. Di ko alam kung nahihiya, nagseselos, o baka naman ayaw nila ipahalata na isa sakanila si M.

"S-so dapat pala magpasalamat ako jan kay M. Dahil pinaghilom nya ang sugat na iniwan ko jan sa puso mo." sabi ni Allison habang akbay sya ni David.

"Hindi pa magaling, Allison. Masakit pa din. Sinusubukan ko lang maging malakas para maging masaya na kayo ni David. Diba sabi pangako ko, ipapaubaya na kita sakanya?" mangiyak ngiyak ako habang sinasabi ko ito. Pero wala naman akong magagawa eh. May iba na ang mahal ko eh.

"D-dapat pala magpasalamat ka sa kanya dahil tinutulungan ka nya sa kabila ng katigasan ng ulo mo." -Mads.

"Haha. Grabe ka naman. Mabait kaya ako." -ako.

"Nakilala mo na ba sya sa personal? O nag usap na ba kayo?" -Cece.

"Uhm. Kas--" magpapaliwag na sana ako pero hulaan nyo? Sinira ulit ni Eric ang moment ko! -_-

"Ayun na nga ang problema! Lagi nya lang yan nakakausap sa cellphone. Di pa nga sila nagkikita sa personal. Natatakot na nga ako dahil baka pangit yung M na yan eh." sabi ni Eric. Tinignan ko sya ng masama. Ang kapal ng mukha nya para sabihan ng pangit si M! Pangit man sy o hindi, wala akong paki alam.

"Ang yabang mo naman. Feeling pogi ka lang eh! Tss." Yes! Salamat Ms. Pms dahil pinagtanggol mo su M sa walang kwentang yan!

"Hoy! Gwapo ako! Sadyang bulag ka lang!" -Eric.

"G-ganoon ba? Di mo pa sya makikita? Pero ano ba yung nararamdaman mo para sa kanya?" tanong ni Jane.

"Well k--" sasagot na ulit ng biglang sumabat na naman si Eric. Damn! Pasalamat sya malayo sya kung hindi sabog nguso nya!

"Alam nyo ba, pakiramdam ko gusto na sya ni Rence eh. Kasi talagang nag-eeffort sya para mahanap yung M na yan. At isa pa, isa sa inyo ang pinaghihinala--" tinakpan ko ang bibig nya.

Shet! Ang daldal ng lalaki na to! Masisira yung plano ko eh. Kulang nalang kamao ko yung ipansupalpal ko dito eh!

"Ano? Wag mong takpan yung bibig ni Eric." sabi ni Cece.

"A-ah .. E-eh. Wag nyo na isipin yung pinagsasabi nito! Walang kwenta lang to." pumipiglas pa din si Eric pero lalo kong nilalakasan yung hawak ko sa bibig nya. Sa gigil ko dito baka mahiwalay ko yung panga nya!

"Tara, hanapin natin." sabi ni Allison.

"Oo nga. Tama. Hanapin natin si M mo." Mads.

"P-pero, bakit?" nagulat ako. Payag talaga sila na hanapin si M? Si M na pakiramdam ko ay gusto ko na.

"Syempre naman. Magpapasalamat ako sa kanya dahil inalagaan ka nya nung iniwanan kita." -Allison.

"Di nya pinabayaang umiyak mag isa ang Mine ko." -Cece

"Tinuruan nyang maging matatag ang Moon ko." -Jane.

"At syempre, pinagtyagaan nya ang kacornihan ng ex ko." -Mads.

Nangiti na lang ako. Salamat. Salamat dahil kahit ang gulo ng mga pangyahari sa buhay natin ay nasa likod ko pa rin kayo para suportahan ako.

"Ang corny mo naman Rence! Mas pogi talaga ako sa iyo!" sabi nung David.

"Ang yabang mo naman! Suntukan nalang o!"

"O tara!"

"Hoy! Manahimik nga kayo. Pinag aagawan nyo na naman si Allison. Nasasaktan ako." biro ni Jane.

"Haha. Ikaw talaga Moon. Nga pala Cece, asan na yung kasama mo?"

"Oo nga, yung pogi." sabi ni Mads. Tss. Di naman sabi pogi yun eh.

"Ewan ko nga eh. Hanapin ko lang ha?" at umalis na si Cece. Tss. Parang pinagpalit nya ako sa nakakaasar na yun ah.

"Game! Its all settle, bukas, sama sama na natin hahanapin si M para manahimik na ang love life ni M." panimula ni Eric.

"One for All!" sigaw nya.

"And all for One!" sigaw namin lahat.

Haist. Bakit kaya ayaw pa nyang umamin. Talagang magkukunwari pa syang hahanapin ang sarili nya.

Pero sana, pag nahanap ko sya, maliwanagan na ako kung sino talaga ang tamang babae na makakasama at magpapasaya sa buhay ko.

---

Hey ;)

Comment naman kayo o? Pa-follow na din :)

                                    -MyThunder09

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon