Allison's Point Of View.
Hello. Allison the bitch here. Well, siguro ganoon talaga ang tingin nyo dahil iniwan ko si Lawrence at ginamit ko lang sya. Hindi ko naman kayo masisisi eh.
Pero sana maintindihan nyo na sadyang mahal ko pa si Bhabes ko. True loves never dies diba? Kaya sana naman bawasan nyo yung galit nyo sakin at basahin nyo ang chapter na ito kung saan ako ang magkukwento.
"Girl talk!" biglang sumigaw si Mads. Nandito pa din kasi kami sa audi kung saan nagpapa-audition si Lawrence. At base nga sa mga nabasa nyo, may babaeng pumunta dito na nagpakilalang si M. Sya si Melissa na ex naman ni Eric.
Parang di kapani-paniwala pero, nasagot nya ang mga tanong ni Rence kung saan sila lang nung Ms. Mysterious lang ang dapat nakakaalam.
Sa ngayon, pinauwi nya na yung mga tao na naghihintay para makapag isa daw sila ng M nya. Lumabas na nga sila na holding hands eh.
Pero bakit ganoon? Parang may masakit sa puso ko? Okay lang naman sakin na nakamove on na sakin si Rence diba? Eh ano tong nararamdan ko.
"Girls, meeting muna tayo na walang mga boys. Importanteng bagay." sabi ni Mads. Hm. Mukhang seryoso nga.
"Bhabe, wait lang ha, may pag uusapan muna kami." paalam ko kay David dahil nakaakbay sya sakin.
"What? Sama ako. Ayokong mahiwalay sa gf ko." aww. Ang sweet ni Bhabes ko.
"Bakla ka ba? Diba sabi ko babae lang?!" -Mads. Haha. Natawa nalang ako. Inalis na ni David ang kamay nya sakin at umalis na ko.
"Wait lang Espren ha? May paguusapan lang kami." sabi ni Cece kay Dylan na napakapogi! Haha
"Tss. Rence na naman." sabi nya pero di na narinig ni Cece. Hm.
So ayun na nga, lumayo na kami sa mga boys para sa meeting namin. Iniwanan namin si Eric na nakatulala dun. Di talaga sya makapaniwala na ang ex nya ang M ni Rence.
Pero dont worry, tinext na daw ni Mads si Sandra (Ms. PMS) para pumunta dito at inisin ulit si Eric.
"Bakit tayo may Meeting? Anong meron?" sabi ni Jane.
"Oo nga? Mag cecelebrate ba tayo?" -Cece.
"Tss. Wag na tayong magplastikan. Aminin nyong nasasaktan kayo ng matapos na ito." sabi ko. Nakakainis kasi. Halata naman. Pero dont get me wrong ha, nsgeenjoy talaga akong kasama sila. Ang babait nilang mga tao. But this time, I need to tell them the truth. Nakita kong nalungkot sila. Sabi na nga ba eh.
"So yun lang ba tong meeting na to? Pwede na ba akong bumalik sa boyfriend ko para makapagluksa na kayo sa pagkawala ng pangarap nyo na mahalin kayo ni Rence?" -ako.
"H-hindi naman yun yung dahilan ng meeting na to eh." -Mads.
"Eh ano?" tanong ko. Sila Jane at Cece kasi tahimik nalang talaga eh. Masakit ba yung sinabi ko?
"Pakiramdam ko hindi si Melissa si M." -Mads.
"What did you Say?!" -Cece.
"Pakiramdam ko hindi sya ang babaeng hinahanap ni Rence."
"Hay nako. Get over it Madisson! Wag ka ng mag selos. Wala tayong magagawa kung naka move on na talaga sa iyo ang ex mo!" ako.
"Hey! Hindi ito dahil dun! Oo nagseselos ako pero sasaya naman ako kung sakaling masaya na si Rence kay M. Pero sa tingin ko, hindi yung Melissa na yun ang hinahanap nya!" tss. Hay nako naman.
"Paano mo nasabi?" -Cece.
"Kilala ko si Melissa. Nung kami palang nila Eric ang magbabarkada. Patay na patay sya kay Eric. Lahat gagawin nya para mapansin sya nito. Kaya nung 'sinagot' sya ni Eric, lahat ginawa nya para hindi sila mag hiwalay. Pero alam nyo naman si Eric hindi ba? Nagkaroon pa sya ng pitong gf bukod sa kanya. Ngunit imbis na magalit, lalo pa nyang pinagsisiksikan ang sarili nya kay Eric. Ni minsan ay hindi namin naging kaibigan yun ni Rence dahil una sa lahat ay harap lang naman sya ni Eric mabait pero pag umalis na ito, diring diri sya sa amin. Then, wala syang paki alan sa ibang tao. Basta sumaya lang sya. Kaya malakas ang kutob ko na hindi sya ang hinahanap ni Rence." what? Kung totoo ang lahat ng sinabi ni Mads, may posibilidad na di sya si M.
"Teka teka! Naguguluhan ako. Kung naging masama sya sa inyo, bakit naniwala si Rence na sya si M?" tanong ni Jane.
"Ayun ang hindi ko alam." sabi ni Mads.
"Siguro, sa sobrang laki ng utang loob at kabaitan na ipinakita sa kanya ni M habang magkatext sila, talagang minahal na talaga nya si M kahit hindi pa nya ito nakikita. Kaya nung nasagot ni Melissa ang lahat ng tanong ni Rence, naniwala na ito agad. At siguro marahil, sa sobrang gusto na nyang makatakas sa sakit na naranasan nya kay Allison, gusto na nya talagang makamove on." paliwanag ni Cece. Nagtinginan naman sila sakin.
"Okay fine. Sorry na talaga. Di ko naman sinasadya yun eh. Well, kung totoong impostor lang talaga yung M na yun, kailangan nating balaan si Rence tungkol dito." tama. Kung maling M lang naman pala ang makikilala ni Rence, mas mabuting wag na nya itong makilala.
"Hwag! Kilala ko si Rence. Bulag yun mag mahal. Hindi yun maniniwala sa atin hanggat walang proof." paalala ni Jane. Wow! Edi ikaw na ang Rence expert.
"And besides, hindi pa tayo sigurado dun. Nagbabago ang mga tao diba? Malay mo, talagang gusto nya lang tulungan si Rence." paliwanag ni Cece. Oo nga pala, may pinanghuhugutan yan dahil nagbago si Rence nung mga panahong nililigawan sya nito dahil sa akin.
"So, ano na nga gagawin natin." ako
"Kailangan nating magimbistiga! Kailangan nating hubaran ang Melissa na yan!" -Mads
"Huhubaran talaga? Sige go ako jan! Para kay Rence" -Cece
"Tama, para di na masaktan si Rence." sabi ni Jane. Tinignan nila ako. Tss. May magagawa pa ba ako? Eh ako naman talaga ang may kasalanan ng 'broken heart thingy' na ito.
"Okay fine! Sama na ako. Pero dont get it wrong ha? Si David pa rin ang mahal ko."
"Tss. Okay! Arte neto! :P" -Cece.
"Game! Malalaman din natin kung tunay ka bang talaga Melissa. So You'd better watch out! Bitch." banta ko. Haha
--
Hey? Musta na po kayo? Okay lang ba yung mga pinaglalagay ko dito? Hehe.
Comment naman po kayo. Magrereply ako. Nga pala, sino pwedeng gumawa ng bagong cover nito? Wala akong talent sa mga ganyan eh :D
Salamat sa lahat.
-MyThunder09
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...